ODAWARA, Kanagawa Prefecture – Si Kotaro Umeda, ang pasahero na naging biktima ng atake sa isang train ng Shinkansen noong Hunyo 9, ay namatay habang niligtas ang buhay ng dalawang nasugatang kababaihan na tumatakas sa suspect ng pananaksak, ayon sa pulisya.
Nagtamo si Umeda ng dosenang saksak habang siya ay umiiwas sa sasak sa kanyang balikat at dibdib, pati na rin ang isang malaking sugat sa kanyang leeg, na pinaniniwalaan naging sanhi ng pagkamatay nito.
Si Ichiro Kojima, 22, mula sa Okazaki, Aichi Prefecture, ay naaresto matapos ang pag-atake sa Car No. 12 ng Nozomi No. 265 bullet train sa Osaka, na naglalakbay sa pagitan ng mga istasyon ng Shin-Yokohama at Odawara sa Tokaido Shinkansen Line sa Kanagawa Prefecture.
Sa paligid ng 9:45 p.m., sinaksak ni Kojima ang isang babae, 27, na nakaupo sa kanyang kanan. Pagkatapos ay sinaksak niya ang isa pang babae, 26, na nakaupo sa kaliwa ng kabilang aisle at tumakas sa pinangyarihan, ayon sa pulisya.
Tumakbo ang dalawang babae sa palayo at hinabol sila ni Kojima. Ngunit si Umeda, isang 38-taong-gulang na empleyado ng kumpanya mula sa Amagasaki, Prefecture, na nakaupo sa ikalawang hanay sa likod ng tatlo, ay pinigilan si Kojima.
Naglaban ang dalawa, at sinaksak ni Kojima si Umeda na isang hugis-parihaba na kutsilyo. Si Kojima ay nanatiling tahimik habang patuloy niyang sinasaksak si Umeda kahit na ito ay bumagsak na sa sahig ng train at nakiusap ang konduktor ng tran na tigilan niya na ito, ayon sa pulisya.
Siya ay naaresto sa kasong attempted murder at murder. Noong Hunyo 11, ang kanyang kaso ay ipinadala sa mga prosekutor.
Ang mga sugat na natamo ng dalawang babae ay hindi naman malubha. Ayon sa babae, “nagi-guilty ako kasi namatay si dahil sa pagsalba niya sa aking buhay,” sinabi niya din na “Idinadalangin ko na maging mapayapa ang kanyang kaluluwa.”
Sa isang pahayag sa pamamagitan ng isang abogado noong Hunyo 10, ang miyembro ng pamilya ni Umeda ay nagsabi na walang silang maipapahayag sa ngayon at hinihiling nila na huwag silang abalahin.
Ang BASF Japan, employer ni Umeda, ay nag-issue ng isang pahayag noong Hunyo 11, Pinupuri namin ang kanyang “Katapangan at kabutihang loob” upang isalba ang iba pang mga pasahero.
“Lubha kaming nalulungkot na kami ay biglang nawalan ng isang mahalagang miyembro ng aming kawani,” ayon pa sa pahayag. “Kami ngayon ay nakakaramdam ng galit sa mga nangyari.”
Source: Asahi Shimbun
Join the Conversation