Ang sikat na celebrity sa Japan na si Lovely (28) ay hinirang na “Filipino Tourism Ambassador” at dumalo sa isang press conference sa Tokyo sa ika-25.
Ang aking ama ay Japanese, ang aking ina ay Pilipino. Ito ang aking mga pinagmulan “dati ko pang ninanais na gumawa ng isang bagay na may kaugnayan sa Pilipinas, ang mga posibilidad ay maaaring lumawak at mayroon akong mataas na expectation.
Sa taglagas plano din naming lumikha ng isang fan club ng Pilipinas upang ipaalam sa iba ang higit pa tungkol sa bagong Pilipinas, nakangiti niyang sinabi.
Ipinanganak siya sa Pilipinas at lumaki sa Japan, ngunit sabi niya na umuuwi siya sa Pilipinas ng isang beses sa isang taon, “Pakiramdam ko umuuwi ako sa aking pangalawang tahanan.”
Ibinunyag pa nya na, “noong nasa middle school ako, nagkaroon ako ng isang “romantic relationship” sa isang Pilipino na nakatira malapit saamin. Palagi niya akong sinusundo at kakain kami sa isang fast food ng chicken at pasta. Pero nung time na yon wala pang LINE app kaya gumagamit lang ako ng international card kaya medyo nahirapan kami sa long distance relationship kaya’t hindi rin nagwork out”.
Sa hinaharap, nais kong ibahagi sa iba ang mga merit ng Pilipinas at magkaroon din ng isang konsepto upang ilunsad ang mga tatak ng mga produkto gamit ang mga lokal na halaman atbp. “Gusto kong bumuo ng isang pabrika sa Pilipinas at lumikha ng mga pagkakataon sa trabaho para sa mga tao. Gusto ko itong gawin ngunit maaari ko lamang gawin ito sa tulong ninyo “.
Ang isa pang talent na si Nishiuchi Hiro (29) ay hinirang din bilang ambassador.
Source: Asahi Shimbun Digital
Join the Conversation