Ang Okinawa ay isang lugar na umaakit ng libu-libong mga turista bawat taon, lalo na sa tag-init, gayunpaman, maraming iba pang mga isla na bahagi nito, tulad ng Taketomi at Ishigaki na, bagaman hindi kilala, ay may katumbas na kagandahan!
At ang magandang beach ng Sunayama na may puting buhangin at mala-asul na tubig ay matatagpuan sa Miyakojima, isang isla na bahagi rin ng Okinawa.
Ang Miyakojima ay isang mahusay na alternatibo sa travel para sa mga bumibisita sa pangunahing isla ng Okinawa, dahil ang flight doon (mula sa Okinawa) ay tumatagal ng halos 50 minuto.
Ang beach ng Sunayama ay medyo maliit, may 70 metro lamang ang haba. Upang makapunta dito kailangan mong lakarin ang isang madamo at liblib na lugar, kahit na medyo hindi komportable ang paglakbay patungo dito sulit naman sa napaka-gandang tanawin kapag nakarating na sa lugar.
Kailangan mong lakarin ang isang madamo at liblib na lugar.
Ang isa sa mga highlight ng beach na ito ay isang rock arch sa gilid ng beach. Ang arko ay nabuo sa pamamagitan ng nakalantad na mga coral reef na nag-erode mula sa dagat sa pagkatapos ng ilang mga siglo.
Bilang karagdagan sa arko, ang pangunahing tampok ng Sunayama beach ay ang puting buhangin nito.
Ang asul na tubig na may kaaya-ayang temperatura ay napaka-kaakit-akit. Ang Miyako Island ay kinikilala bilang isa sa mga premier na dive site sa mundo na may 100 species ng corals kasama ang mga pagong, whale shark, mantas at iba’t ibang tropikal na isda na matatagpuan sa kristal na tubig.
Habang ang snorkeling ay ang highlight ng Sunayama, ang mga bisita ay dapat mag-ingat sa mga alon sa dagat, na maaaring maging napakalakas. Ito ay hindi isang beach na inirerekomenda para sa mga bata, dahil walang mga mababaw na lugar.
Mayroon lamang nag-iisang uri ng commercial place, ang Sunayama Beach Cafe, isang kainan at posible na makapag-renta ng mga kagamitan tulad ng payong, upuan at buoys.
Access:
May dalawang company airlines, ang JAL at ANA, na maaaring makalipad patungong Miyakojima na isang partidong prinsipal ng Japan, ngunit karamihan ay dumadaan muna sa Okinawa bago pumunta sa lugar sa Miyako Airport, kaya’t mas napapatagal ang biyahe at oras ng paghihintay. Maaari din sa Shimojima Airport ngunit malimit lamang ang mga flight papunta doon.
Kapag kukuha ng flight patungng principal island ng Okinawa, aabutin ng 50 minutos hanggang sa Airport ng Miyako.
Maaaring makabili ng ticket sa website ng JAL at ANA (Sa wikang ingles) at makapagbayad sa mga covenience store.
Sunayama Beach (砂山ビーチ)
- Lugar: Miyakojima, Okinawa
- Sunayama Beach Cafe:
Oras: simula 9:30am hanggang 5:30pm (maaaring magbago depende sa panahon) - Libreng parking at banyo
Tignan ang mapa upang malaman ang lugar ng Sunayama beach:
Images: Portal Japan
Join the Conversation