NAGOYA – Ang Central Japan Railway Co. ay nagpakita ng isang bagong modelo ng bullet train sa media habang nagsasagawa ng isang test run noong Martes.
Ang railway operator na kilala bilang JR Tokai ay nagsimula ng daytime test run ng bagong serye ng N700S noong Lunes, pagkatapos magkaroon ng test run sa gabi simula noong Marso.
Nagtatampok ang pinakabagong modelo ng isang natatanging hugis ng bandang harapan para sa mas superior na aerodynamic ikumpara sa kasalukuyang N700 series.
Ang modelo ay ipinakita ng Prefecture ng Aichi sa panahon ng isang test run na binubuo ng isang 600-km round trip sa mula sa company plant sa Hamamatsu sa Shizuoka Prefecture at Shin-Osaka Station sa Osaka Prefecture.
Ang test run ay isinasagawa upang suriin ang acceleration, pagpepreno at pagiwas kapag may makakasalubong na train.
Ang train ay nakatakdang huminto sa mga istasyon ng Toyohashi, Mikawa-Anjo, Nagoya at Kyoto.
Ang JR Tokai ay nagbabalak na magsagawa ng karagdagang araw at gabi na test run nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
Ang JR Tokai ay naglalayon para sa komersyal na operasyon ng serye ng N 700 S sa taong 2020.
Source: Japan Times
Join the Conversation