Ang ama ng 9 na taong gulang na vietnamese na batang babae na pinatay ng kapit-bahay na lalaki nuong taong 2017 sa Tokyo ay humihingi ng parusang kamatayan para sa suspek sa isang court hearing nuong Biyernes.
Si Le Anh Hao, 35 taong gulang, ama ng biktima na si Le Thi Nhat Linh ay nag-sabi sa Chiba District Court, ” Sinabi ni Linh na nais niyang maging tulay sa pagitan ng Japan at Vietnam. Hindi ko mapapatawad ang pumatay sa anak ko!”
Ayon sa indictment, si Yasumasa Shibuya, 47 taong gulang, dating pinuno ng asosasyon ng mgamagulang sa paaralang pinapasukan ng biktima, ay inilagay ang bata sa loob ng kanyang sasakyan nuong umaga ng ika-24 ng Marso taong 2017, pinag-samantalahan bago pinatay sa pamamagitan ng pag-sakal at saka itinapon ang walang buhay na katawan ng bata sa tabi ng isang kanal sa lungsod ng Abiko, prepektura ng Chiba.
Si Shibuya ay nag-sabing hindi siya guilty at ang mga paratang ng prosekyutor at pawang kasinungalingan at gawa-gawa lamang. Sinabi rin ng nasasakdal na siya ay walang kinalaman at kaugnayan sa nasabing kaso.
Dahil sa pangarap ng ama na maging tulay ang anak sa pagitan ng 2 bansa, pinili niya ang pangalang Nhat at Linh para sa anak na babae, ang mga pangalang ito ay kahulugang Japan at liwanag.
“Nasaktan ako nang malaman ko kung paano pinatay ang aking anak, hinihiling ko ang parusang kamatayan para sa taong pumatay sa aking anak!” ani ng nag-dadalamhating ama.
Sinabi rin ng ama ng biktima sa korte na “Ang aking pag-dadalamhati at sakit na nararamdaman ay walang katumbas. Halos wala ng luhang dumadaloy sa mata ng aking asawa dahil sa sobrang sakit sa kalooban na kanyang nararamdaman.”
Nag-sumite si Hao sa Chiba District Public Prosecutor’s Office ng mahigit 1.16 milyong pirma na nalikom nito mula sa online community at mga mamamayan sa iba’t-ibang lungsod bilang suporta sa hatol na kamatayan ng taong kumitil sa buhay ng kanyang anak.
Ang focal point ng kaso ay kung paano at bakit mayroong dugo at laway na tumugma sa DNA ng biktima sa loob ng sasakyan ng suspek. Nakita rin ang isang ebidedensya na tumutugma sa DNA ng suspek sa katawan ng biktima.
Sa isang pag-dinig ng korte nuong Huwebes, ang nasasakdal ay nag-sabi na siya ay nag-hahanda upang mangisda nuong araw na nawala ang biktima. Papunta ang biktima sa paaralan sa Matsudo, Chiba Prefecture upang dumalo sa seremonya ng pag-mamarka ng pag-tatapos ng academic school year.
Source and Image: Kyodo News
Join the Conversation