60,000 na senior citizen na driver, pinaghihinalaang may dementia: police

Ang binagong batas sa road traffic na naging epektibo noong Marso 12 ng nakaraang taon na nangangailangan sa mga matatandang driver na magpa-check up sa mga doktor kung ang dementia ay pinaghihinalaan sa preliminary screening at maging sanhi ito ng malalang aksidente na kinasasangkutan ng mga senior citizen.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO
Humigit-kumulang 60,000 na mga driver na may edad na 75 pataas ang hinatulan bilang posibleng may sakit na dementia noong nagsagawa ng screening sa pag proseso ng pag-renew ng kanilang mga lisensya sa unang taon ng mas striktong pag screening para sa sakit, sinabi ng National Police Agency noong Huwebes.

Ang binagong batas sa road traffic na naging epektibo noong Marso 12 ng nakaraang taon na nangangailangan sa mga matatandang driver na magpa-check up sa mga doktor kung ang dementia ay pinaghihinalaan sa preliminary screening at maging sanhi ito ng malalang aksidente na kinasasangkutan ng mga senior citizen na nagiging pangunahing panlipunang isyu sa harap ng mabilis na pagtanda ng populasyon.

Sinabi ng ahensya sa isang ulat na ang 2,105,477 na may hawak ng mga driver’s license ay kumuha ng functiom cognitive test noong katapusan ng Marso ngayong taon, at 57,099 sa kanila ay pinaghihinalaang may sakit na dementia. 

May kabuuang 1,892 sa mga ito ang nasuspinde o pinawalang bisa ang kanilang mga lisensya, tumaas ng tatlong beses mula 597 sa 2016. Ang karagdagang 16,115 ay kusang sinauli ang kanilang mga lisensya, habang 4,517 na tao ang tumigil sa kanilang pag-renew at ang kanilang mga lisensya ay naging walang bisa.

May kabuuang 1,892 ng mga ito ang nasuspinde o pinawalang bisa ng kanilang mga lisensya, umabot nang tatlong beses mula 597 sa 2016. Ang karagdagang 16,115 ay nagbigay ng kanilang mga lisensya, habang 4,517 na tao ang tumigil sa kanilang pamamaraan sa pag-renew at ang kanilang mga lisensya ay naging walang saysay at walang bisa.

Image: istockphoto

Ang ilan sa 1,515 iba pa ay nasa kalagitnaaan ng kanilang pag-renew, na nagpapahiwatig na ang bilang ng mga suspensyon at mga pagwawalang-bisa ay tataas pa.

Bago ang pagbabago sa batas, ang diagnoses ng doktor ay hinihikayat ngunit hindi sapilitan kapag ang dementia ay pinaghihinalaan sa isang driver.

Noong nakaraang buwan, isang 90-taong-gulang na babae ang naaresto matapos nagpatakbo sa red light at nakasagasa ng apat na naglalakad sa timog-kanluran ng Tokyo, na isa sa kanila ay namatay.

Source: Sankei

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund