5 taong gulang na bata, inabuso ng sariling ina at ng amain

Paslit na minamaltrato ng sariling ina at amain, nag-mamaka awa sa pamamagitan ng pag-sulat sa notebook at memos.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Litrato ng ina ng biktima habang inaaresto sa Tokyo.

Ayon sa mga pulis, ang 5 taong gulang na bata ay namatay matapos makaranas nang pag-mamalupit sa kanyang magulang, nag-iwan ito ng notebook at memo na may naka-sulat na hiragana na nakiki-usap na itigil na ang pag-mamalupit sa kanya.

Inaresto ng mga awtoridad ang mag-asawa dahil sa suspetsang pag-iwan sa anak ng babae na walang bantay, walang sapat na pagkain at medical care hanggang sa ito ay binawian ng buhay sa kanilang tirahan sa Meguro Ward.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, si Yudai Funato, 33 taong gulang at ang kanyang asawa na si Yuri, 25 taong gulang, mula pa nuong buwan ng Enero ay hindi nila binibigyan ng sapat na pag-kain at pinag-bubuhatan pa ng kamay ang biktimang si Yua. Hindi totoong ama ni Yua si Funato.

Napag-alaman ng pulis mula kay Yuri na palaging sinasabi ni Funato kay Yua na mataba siya at pini-pilit siyang ginigising ng alas- 4 ng umaga araw-araw at ipina-susulat ang kanyang timbang sa isang notebook.  Araw-araw ang bata ay pinakakain ng 1 tasang sabaw at kalating takal lamang ng kanin.

Ang pagpa-pabaya ng mga magulang ni Yua sa kanya ay nag-resulta ng kanyang pag- panaw dahil sa sepsis mula sa pneumonia nuong ika-2 ng Marso.

Ang biktima ay tumitimbang lamang ng mahigit 12 kilos nuong siya ay natagpuan,  kumpara sa normal na timbang ng mga normal na bata na nasa 20 kilos. Nagkaroon din ng frostbite ang kanyang paa dahil pinatulog siya ni Funato sa balkonahe nuong tag-lamig.

Mula sa isang sulat ng bata na nakita ng mga pulis, sinulat umano ito ni Yua, ” Pag-bubutihin ko na po bukas, Patawarin nyo po ako!” , at sa isa naman ay ” Hindi na po ako mag-lalaro, di ko na po uulitin.”

Sinabi ng mga pulis na hindi agad dinala ng mag-asawa ang bata sa ospital dahil natatakot sila na mabuko ang kanilang pananakit sa bata. Sa huli, tumawag sa emergency si Funato at sinabing ilang araw nang hindi nakaka-kain ang kanilang anak at ito ay sumusuka at parang hindi tumitibok ang puso.

Dating nakatira sa Kanagawa Prefecture ang pamilya, dito ay 2 beses na kinuha at pansamatala inilagay ng protective custody ng Child Social Welfare si Yua bago lumipat sa Tokyo. 2 beses na rin ipinasa ng Kanagawa Prefectural Police sa prosecutor si Funato dahil sa suspetsang pananakit sa bata.

Nang lumipat sa Tokyo ang pamilya, ito ay agad na ipinag-bigay alam ng mga awtoridad ng Kanagawa sa Child Welfare Office ng Shibagawa Ward. Tinangkang bisitahin ng ilang representative ang bahay ng mga suspek nuong ika-9 ng Pebrero, ngunit hindi sila pinapasok ng ina ng bata. Si Yua ay naka-schedule ng papasok sa elementarya sa darating na buwan ng Abril.

Si Funato ay inaresto nuong ika-3 ng Marso dahil sa pag-aabuso sa bata sa pamamagitan ng pag-suntok sa mukha ng bata. Hindi inaresto ang ina nung bata nuong araw na iyon dahil sinabi umano ng ina na, ” Natatakot ako sa asawa ko ayokong madamay.”

Ngunit nuong Miyerkules, naka-lakap na ng mga ebidensya ang mga pulis na maaring mag-sampa ng kaso sa mag-asawa sa karumaldumal na pag-mamaltrato nila kay Yua.

Source and Image: Japan Today

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund