21 hapones ang na-detain sa China nuong nakaraang buwan dahil sa di umano’y religious activities na ginawa ng mga grupo. Sa kalaunan, ito ay pinalaya na rin upang maka-balik na sa Japan.
Sila ay na-detain ng mga tsinong awtoridad mula sa iba’t-ibang probinsya tulad ng Hebei at Henan nuong ika-5 hanggang ika–15 ng Mayo, dahil sa hinalang pag-labag sa Domestic Law ng nasabing bansa.
Sila ay inakusahan na sumali sa isang religious activity, na isang violation of ban on foreign nationals sa pag-gawa ng missionary work sa China.
Kumpirmado na ang pag-laya ng 5 sa mga detainees.
Kinumpirma rin ng mga opisyales ng Japanese Embassy sa Beijing na naka-laya na ang lahat ng detainees at ito ay naka-balik na sa Japan nuong ika-1 ng Hunyo, matapis na makatanggap ng notice mula sa kampo ng mga Tsino.
Ang gobyerno ng China ay nangangamba dahil sa maaaring mag-alsa at humingi ng kalayaan ang kanilang mamamayan dahil sa pag-hihikayat ng mga religious groups. Ilan sa mga mamamayan na nakararamdam na napag-iwanan na at napabayaan na sila ng ekonomiya ay nag-hahanap ng ispiritwal na kaligtasan.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation