Ayon sa isang survey, isang ma-peligrong protina na may kaugnayan sa sakit na Alzheimer’s Disease ang namumuo sa mahigit na 20 porsyento ng malulusog na hapon na nag-eedad ng 60 pataas.
Isang grupo ng mga researcher ang nag-sabi na ang sakit ay nag-poprogress mula nuong unang beses na matuklasan nila na ito na nag-pakita ng malinaw na resulta sa mga pasyenteng hapones bago pa ito magkaroon ng sakit na dementia.
“Ang achievement na ito ay mag-bibigay ng malaking momentum sa pag-develope ng therapeutic drugs.” ayon kay Takeshi Iwatsubo na isang propesor sa medisina at eksperto sa sakit na Alzheimer’s Disease at punong tagapangasiwa sa Unibersidad ng Tokyo.
Pinaniniwalaan na ang pasyente ay nagkakaroon ng Alzeimer’s Disease kapag nagkaroon ng pamumuo ng isang abnormal na protina na tinatawag na Amyloid Beta sa loob ng utak ng isang pasyente at dahan-dahang pinapatay ang mga nerve cells nito. Sinasabi rin na aabutin ng mahigit 15 taon matapis mag-simulang mabuo ang abnormal na protina sa utak ng pasyente bago mag-simulang maka-limot at lumabas ang ibang mga sintomas ng nasabing sakit.
Ang pinaka-latest na pag-aaral gamit ang resulta mula sa Japanese Alzeimer’s Disease Neuroimaging Initiative (J-ADNI), mula nuong taong 2008 base sa proyekto ng U.S ADNI na idinisenyo upang agad na malaman at matukoy ang unang stage ng Alzheimer’s disease.
Mula sa Japanese version ng malaking proyekto, 38 ng research institute sa buong Japan kasama ang Unibersidad ng Tokyo ay nag-survey na mahigit 537 katao na nag-eedad ng 60 pataas sa loob ng 3 hanggang 4 na taon na mayroong mild- Alzheimer’s type dementia at mga malulusog na ibdibidwal.
Iniksamen ng grupo ang utak ng 83 na malulusog na indibidwal na walang Alzheimer’s disease gamit ang imaging diagnosis at iba pang klase ng mga tests, at napag-tanto nila na halos 23 porsyento o 19 katao ang maroon ng Amyloid Beta na namumuo sa loob ng kanilang utak.
Napag-alaman rin ng mga researchers na nagkaroon ng dimentia 60 porsyento ng mga indibidwal na mayroong Amyloid Beta sa loob ng kanilang utak 3 taon matapos itong madiskubre. Ang mga ito ay nag-durusa mula sa cognitive function at mild cognitive impairement ngunit wala pang sakit na Alzheimer’s disease.
Gayunpaman, ang analysis ng pag-lala ng kondisyon ng nag-durusa sa mild cognitive impairement sa memorya at buhay ng pasyenteng hapon ay kasing bilis ng mga pasyente sa Estados Unidos.
Ani ni Iwatsubo, ” Ang nakutang resulta ay nagpapa-tunay lamang na ang progreso ng mild cognitive impairement ay parehas at kasing bilis din ng mga nararanasan ng ibang lahi.”
Ang achievement ng grupo ay ibinahagi sa isang pahayagan ng Estados Unidos na Alzheimer’s and Dimentia nuong ika-9 ng Marso.
Source and Image: Asahi Shimbun
Join the Conversation