Ang mga ehekutibo ng isa sa pinaka-malaking distributor ng mga sasakyan sa Japan ay nag-sabi na ang kumpanya ay nag-tala ng mataas nang benta at kita para sa kasalukuyang taon na nag-tapos nuong buwan ng Marso.
Ang group sale ay tumaas ng 6.5% taon-taon na nagkaka-halaga ng 268 bilyong dolyares, ito ay dahil sa malakas na bentahan sa mga bansang Tsina at Europa.
Ang Net Profit ay tumaas din ng 36% na nagkaka-halaga ng 23 biyong dolyares, ngunit nag- karoon ng kaunting pagka-lugi ng mga executives dahil sa corporate tax na iniatas ni Pangulong Donald Trump.
Sinabi ni Akio Toyoda, presidente ng naturang kumpanya na sila ay patuloy na mag-iinvest para sa pag-unlad ng hinaharap.
Ani ni Toyoda, ” Naniniwala ako na sa pag-buo ng mga de-kuryenteng sasakyan, self-driving technology at connectivity ay mapalalawak ang iba pang mga posibilidad sa larangan ng pag-buo ng sasakyan. Ito ay mag-reresulta sa pag-papalawak ng panahon ng Toyota upang mas lalong mapag-tibay at mas maging epektibo ang mga sasakyan na aming ginagawa. ”
Ngunit inaasahan ng nga executives ng nasabing kumpanya na maaring magkaroon ng bahagyang pag-bagsak sa kita sa darating na 2 taon.
Inaasahan nila na babagsak ng 1.3% ang kita dahil sa matumal na bentahan sa Estados Unidos at Japan. Natatayang bumagsak din ng 15% ang net profit ng kumpanya dahil sa mataas na palitan ng Yen sa pag-benta sa labas ng bansa.
Source: NHK World Image: trendrr.net
Join the Conversation