MANILA – Ang Tokyo Metro Co. ay nagsimula ng pagtulong sa mga train personnel sa Pilipinas bilang bahagi ng bilateral efforts ng pamahalaan upang bumuo ng urban rail network sa bansa, ayon sa mga operator ng subway.
Ang Tokyo Metro at dalawang Japanese Consulting Company- Oriental Consultants Global Co. at Almec Corp. – ay sama-sama na bumuo ng isang technical cooperation project na pinangunahan ng Japan International Cooperation Agency upang magtatag at patakbuhin ang Philippine Railway Institute, isang training center na binuo sa ilalim ng Department of Transportation ng bansa.
Ang tatlong mga company ay responsable para sa pagguhit ng mga training system pati na rin ang pag-alaga sa lokal na instructor hanggang mag Hunyo 2023 upang paganahin, maging maayos ang patakbo at mapanatili ng lungsod ang railroad network.
Sinabi ng Tokyo Metro, “nais namin na magbigay ng isang malawak na hanay ng suporta upang bumuo ng isang ligtas at maginhawang city railroad system”.
Ang aid agency ng Japan ay tinalakay ang set up ng isang government training institute na dinisenyo upang mapalakas ang lokal na mga expert at mga training sa pamahalaan ng Pilipinas tulad ng train operation, railway structure at mga technology cable, ayon sa JICA. Kasama ng isang malaking infrastructure development plan under ng President Rodrigo Duterte administration , kabilang ang mga proyekto para sa Metro Manila Subway at Manila commuter railways, ang JICA ay nag-alok ng soft loans para makatulong sa development aid program.
Source: Japan Times
Join the Conversation