Ayon sa pahayag ng Tokyo Metropolitan Government, isang Switzerland-based shipping company ang napili upang magpa-takbo ng “Hotel Ship” para sa darating na 2020 Tokyo Olympics at Paralympics.
Ang ” Hotel Ship” ay isang konsepto na naisip ng Central Government upang masagutan at mapag-handaan ang posibilidad na pagkakaroon ng kakulangan sa accomodation habang ginaganap ang Sports event.
Ayon sa opisyal ng Tokyo, napili nila ang Japan branch ng MSC Cruises na Switzerland-based company upang isa-gawa ang “Hotel Ship” matapos magsa-gawa ng pampublikong aplikasyon para sa nasabing proyekto.
Anipa ng opisyal, ang 65,000 toneladang cruise ship na ” MSC Lirica” ay inaasahang magamit bilang pansamantalang hotel. Ang mid-size na cruiser ay mayroong nahit na 1,000 stateroom at maaaring mag-accomodate ng mahigit 2,600 na panauhin.
Ang cruiser ay dadaong sa pier ng Koto Ward. Pagka-tapos mapirmahan ang memorandum, at saka pa lamang pag-uusapan ng pamahalaan ng Tokyo at ng shipping company ang detalye ng operasyon ng nasabing proyekto.
Ang Central Government ay pahihintulutan rin na gamitin ang iba pang pier sa Tokyo Bay upang magamit sa pansamantalang pag-daong ng mga barko para sa karagdagang accomodation.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation