Sa Nagoya, nagkaroon ng abala ng mahigit 20 minutos ang serbisyo ng bullet train sa istasyon ng Nagoya at Gifu-Hashima nuong umaga ng Huwebes matapos mag-karoon ng sunog ang isang bahay na nakatayo malapit sa riles ng tren sa Kiyosu, Aichi Prefecture.
Ayon sa operator ng Tokaido Line na JR Central, ipinatigil ang biyahe ng mga tren bandang alas-11:17 ng umaga matapos magkaroon ng makapal na itim na usok sa daanan ng mga tren, mula sa ulat ng Fuji TV.
Base sa ulat ng mga pulis, natupok sa sunog ang dalawang palapag na bahay na gawa sa kahoy na nakatayo sa tabi ng riles ng tren. Ang 65 anyos na babaeng nakatira rito ay mapalad na naka-labas ng nasusunog na bahay. Agad naman na dinala sa pagamutan ang matanda kung saan idineklara nila ito ay nasa maayos nang kalagayan.
Ang serbisyo ng mga tren ay nag-resume bandang alas11:40 ng umaga.
Huwebes ang simula ng ikalawang bahagi ng Golden Week holiday. Ayon sa mga operator ng mga tren, punuan ngayon ang byahe ng mga tren.
Source: Japan Today Imagem: ANN
Join the Conversation