Si Marck Espejo ang pinaka-unang Pilipino na maglalaro sa Japanese volleyball league

Ang dating Ateneo volleyball star ay opisyal na pumirma ng kontrata sa Japan club team na Oita Miyoshi Weisse Adler.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang limang-beses na naging UAAP Most Valuable Player na si Marck Espejo ay dadalhin ang kanyang talent sa Japan.

Photo Courtesy: ESPN5

Ang dating Ateneo volleyball star ay opisyal na pumirma ng kontrata sa Japan club team na Oita Miyoshi Weisse Adler.

Si Espejo, na nagtulak sa Blue Eagles sa limang appearances sa finals at tatlong championships, ay magpapatibay sa squad na nakabase sa Oita sa susunod na season ng Japan V1 League.

Sinabi ni Oita Miyoshi coach Takashi Ogawa na ang volleyball coach ng UP women’s volleyball na si Godfrey Okumu, na nagtrabaho sa Japanese club sa loob ng tatlong taon, ay inirekomenda si Espejo.

Opisyal na tinatanggap si Espejo sa isang press conference na ginanap noong Linggo sa Buffalo Wild Wings sa Pasay City, kung saan ang may-ari ng team na si Atsushi Miyoshi dumalo din.

Bilang unang manlalaro na Pilipino na makikipagpaligsahan sa isang liga sa Japan, alam ni Espejo na kailangan niyang pagbutihan upang mapanatiling malakas ang kumpetisyon.

“Kailangan kong magtrabaho ng mas madami dahil ang antas ng kumpetisyon dito sa Pilipinas ay naiiba sa Japan. Hindi pa sapat ang mga experience ko dito para sa Japan,” aniya. Siya ay magkakaroon din ng isang asul at puting jersey na number 15.

Ang Japan V1 League ay nakatakdang magsimula sa Oktubre 2018

Source: TV5 ESPN

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund