Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police si Ayako Hamada, (37) isang professional wrestler dahil sa hinalang pag-gamit ng droga, ulat nang TBS News.
Pumunta ang mga pulis sa tirahan ni Hamada sa Adachi Ward nung ika-13 ng Mayo. Inabutan nila ang babae na wala sa sarili at kakaiba ang mga kinikilos. Positibo ang naging resulta ng Drug Test na kinuha mula sa kanyang ihi.
Inamin ni Hamada ang alegasyon sa kanya. Sinabi umano ni Hamada sa mga pulis na sininghot niya ang drugs.
Sa araw ng insidente, si Hamada ay naka-schedule na lalaban ng wrestling sa Osaka. Matapos na hindi sumipot ang man-lalaro, nag-mail umano ito sa kanyang representative sa Promotional Association, Pro Wrestling Wave. Abg nilalaman ng kanyang message ay ang sumu-sunod, ” Mayroong 4 na lalaki naka-hawak sa akin at tinututukan ako ng patalim!”. Agad naman inalerto ng kanyang representative ang mga kapulisan.
17 taobg gulang si Hamada nuong mag-simulang mag-wrestling taobg 1998. Marami-rami na rin siyang nasalihan at napanalunang wrestling match at championship sa iba’t-ibang asosasyon sa buong bansa, kabilang dito ang All Japan Women’s Pro-Wrestling.
Source: newsonjapan.com Image: ANN News
Join the Conversation