Ang presidente ng Estados Unidos na si Donald Trump ay kinansela ang kanyang pakikipag-pulong kay North Korean Leader na si Kim Jong Un, na naka-takda ganapin sa Singapore sa ika-12 ng Hunyo.
Ayon sa pahayag ni Trump, ” Naniniwala ako na ito ay isang napaka-laking dagok sa bansang North Korea at sa buong mundo.”
Dagdag pa ng pangulo, inutusan niya umano ang Secretary of Defense na si Jim Mattis at iba pang Senior Officers na maging alerto at handang tumugon sa mga kalokohan at hindi pinag-iisipan na pag-kilos ng North Korea.
Ani pa niya, ang South Korea at Japan ay handang tumulong kung ito ay kakailanganin ng Estados Unidos. Sinabi rin ng huli na ang North Korea ay maaaring magkaroon ng magandang hinaharap kung ang banta sa nuclear weapon ay mawawala.
Sinabi rin ni Trump na ” Kung sakaling piliin ni Kim Jong Un na makipag-laban gamit ang mapanirang salitaan at narahas na aksyon, ako ay mag-aantay lamang. Samantalang, ang aming desisyon ay isa sa pinaka-mataas na parusa na ipinataw… Ang pangangampanya ay mag-papatuloy, ngunit kahit anong mangyari, hindi ko ilalagay sa kompormisong sitwasyon ang kaligtasan at seguridad ng Estados Unidos.”
Isang liham ang ginawa nito para sa Lider na si Kim Jong Un, isinulat umano ni Trump ang tunay na saloobin sa magaganap ba pag-pupulong, ” Ito ay hindi pa nararapat na mangyari, dahil sa laki ng galit at poot mula sa kamakailan lamang na pahayag ng Pyongyang.”
Tinutukoy nito ang sinabi ng North Korea sa isang pahayag tungkol sa kakayahan ng kanilang Nuclear. Ito ay sinagot ni Trump, ang kakayahan ng Estados Unidos ay ” Napaka-laki at Maka-pangyarihan.”
Ani ni Trump, ang North Korea at ang buong mundo ay nawalan na ng oportunidad upang magkaroon ng kapayapaan at kasaganahan. Sabi pa niya na ang nasayang na oportunidad sa pag-uusap ng dalawang bansa ay talagang naka-lulungkot na pangyayari sa kasaysayan.
Sinulat naman din ng pangulo na minimithi niyang makilala at makita siKim Jong Un balang-araw. Sinabi ng pangulo na kung sakaling mag-bago ang isip ni Kim, ito ay makipag-ugnayan lamang sa kanya.
Kamakailan lamang, nag-banta umano ang Pyonyang na ikansela ang pag-pupulong kung ipipilit ng Estados Unidos na pwersahang dis-armahin ang North Korea.
Sabi ni Trump na kung makikipag-kasundo si Kim Jong Un sa Estados Unidos, siya ay makaka-kuha ng proteksyon.
Samantalang ang presidente ng South Korea ba si Moon Jae-In ay nagpa-tawag ng emergency meeting matapos mabalitaan ang liham ni Trump para sa Nirth Korea. Ani nito, ” Ang ginawa ng Estados Unidos ay nakaka-puzzle at nakapang-hihinayang.”
Sabi ni Moon, ang denuclearization ng Korean Peninsula at ang permanenteng kapayapaan nito ay isang makasaysayang tungkulin na hindi maaaring balewalain at maantala.”
Sabi pa ng huli na mahirap talakayin ang mga sensitibong bagay at usapin sa pamamagitan ng kasalukuyang paraan ng komunikasyon, inaasahan niya na maresolba ang usapin ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pag-uusap ng personal.
Nag-aalalanaman ang Secretary-General ng United Nation sa nangyaring pag-kansela ng pag-pupulong ng dalawang kampo. Hinihimok ni Antonio Guterrez ang dalawang panig na ipag-patuloy ang komunikasyon hanggang sa maka- kita ng mapayapang paraan sa pagpapa-tunay ng denuclearization ng Korean Peninsula.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation