NAGOYA – Isang diumanong arsonist na sumasailalim sa psychiatric testing ang tumakas mula sa isang ospital sa central Japan, sinabi ng pulisya noong Miyerkules.
Pinaghahanap ng pulis si Yasuhiro Ogura, 57, matapos siyang makatakas mula sa ospital sa lungsod ng Nagoya kung saan siya ay naka-confine mula pa noong Marso.
Ang ospital ay tumawag sa pulis bandang 9:15 ng gabi noong Martes at sinabing nawawala si Ogura. Nadiskubre ng mga worker ng hospital na nawawala ang pasyente sa kanyang kwarto na nasa ikalawang palapag matapos tumunog ang alarm at naiwang nakabukas ang bintana ng kwarto.
Ang bintana ay karaniwang bahagyang nakabukas para sa bentilasyon ngunit maaaring mabuksan pa ito ng tuluyan tuwing may isang emergency kapag nangangailangan ng paglisan, ayon sa pulis. Ang pinto ng kuwarto ay naka-lock mula sa labas.
Si Ogura ay inaresto dahil sa pagsindi ng apoy sa pintuan ng bahay ng kanyang dating asawa sa Nagoya, pagkatapos siya ay naka-confine dahil sinusuri ang kanyang kakayahan sa pagi-isip, sinabi ng pulisya.
Source: The Mainichi Japan
Join the Conversation