Pilipinas tumanggap ng 2 bilyong yen mula sa Japan

Pinansyal na tulong mula sa Japan, para sa Marawi.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Marawi, matapos ang giyera.

Nuong Martes, binigyan ng 2 bilyon yen ($970 milyon) ng Japan ang Pilipinas upang maipa-ayos ang nasirang lungsod ng Marawi dahil sa giyerang ginawa ng mga bandidong ISIS-inspired na terorista nuong naka-raang taon.

Ang kasunduan ay nilagdaan nila Finance Secretary Carlos Dominguez III at Chief Representative sa Pilipinas ng Japan International Cooperation Agency na si G. Yoshio Wada.

” Nais namin na ipa-alam sa Ambassador at Chief Representative ng JICA na itong perang aming natanggap ay mula sa buwis ng mga mamamayan ng Japan, asahan ninyo na ito ay gagamitin namin sa wastong paraan. ” saad ni Dominguez

Oktubre ng nakaraang taon nang ideklara ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang Marawi ay malaya na sa mga terorista matapos ang 5 buwan ng matinding pakikipag-laban ng ating mga sundalo laban sa mga bandido.

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay mayroong mahigit 902 na Priority Project para sa pag-papatayo muli ng Lungsod ng Marawi at mga kalapit-lugar nito na naapektuhan rin sa pang-yayari. Ini-estimang mahigit 55 milyong piso ang kakailanganin upang maisa-katuparan ang mga ito.

Ang pinaka-bago tulong pinansyal mula sa Tokyo, Japan ay gagamitin upang maipa-gawa ang mga nasirang kalsada at mga gumuhong gusali. Mahigit $36 milyong dolyares na ang naitutulong ng gobyerno ng Japan sa Pilipinas para sa Marawi Relief and Rehabilitation.

Samantalang sinabi rin ni Dominguez na, ang pamahalaan ng Pilipinas ay kinukonsidera na gumawa ng pledging session na katulad na ginawa nuong aftermath ng bagyong Yolanda (Haiyan) upang madagdagan ang funds para sa pagpapa-ayos ng Marawi.

Source and Image: Philstar Global
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund