Ayon sa pahayag ng opisyal ng Philippine Navy, ang palaging pag-bisita ng Japanese warship sa ating bansa ay nag-papalakas ng relasyon natin sa bansang Japan.
Sinabi ng Philippine Navy spokesperson na si Capt. Lued Lincuna, ang Japanese Destroyer JS (DD 156) ay bibisita sa Pilipinas sa ika-25 at 26 ng Mayo ng may magandang layunin. Ang barko ay inaasahang dumaong sa Pier 15, Manila South Harbor sa Biyernes.
Ang pangkat na pinamumunuan ng JMSDF Escort Division 7 Head na si Capt. Susumi Moriyama at JS Setogiri Skipper Commander Tokeshi Tonegawa.
Abg JS Setogiri ay ang ika-apat na JMSDF Ship na bumisita sa Pilipinas sa loob lamang ng 5 buwan, ang JS Osumi (ika-tatlo), Destroyer JS Akizuki (ikalawa) at JS Amagiri (pinaka-una).
“Wala namang kakaiba sa palaging pag-bisita ng mga barko ng JMSDF sa ating bansa, ito ay isang regular na daungan at malugod nating tinatanggap ang pag-bisita sa atin ng mga Navies.” ani ni Lincuna
Dinagdag pa ni Lincuna, na ang palaging pag-tawag ng barko ng Japan Maritime Self Defense Force (JMSDF) ay nagpapa-tibay sa relasyon ng Pilipinas at Japan sa pamamagitan ng Naval Diplomacy.
Source: Philippine News Agency
Image: Wikipedia
Join the Conversation