Nilaslas ng isang driver ang pulis na nagpa-hinto sa kanya

Isang lalaki nilaslas ang kamay ng isang pulis matapos pahintuin

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang lalaking driver ang nag-labas ng patalim at nilaslas ang isang pulis habang kinukwetiyon ang suspek nuong gabi ng Miyerkules sa Arakawa Ward sa Tokyo.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ang insidente ay nangyari bandang 9:30 ng gabi sa Nishi-Nippori. Sinusundan ng isang patrol car ang isang minivan na naka-lagay sa listahan ng mga wanted. Ang minivan ay bumangga sa median strip ng kalsada na nag-resulta ng pag-tilapon ng mga package sa likod ng sasakyan, base sa ulat ng Fuji TV.

Ang pulis ay lumapit sa driver at nag-simulang mag-tanong ng pagkaka-kilanlan ng lalaki at ano ang kanyang ginagawa. Biglang nag-labas ng patalim ang lalaki at nilaslas ang kaliwang kamay ng pulis.

&nbspNilaslas ng isang driver ang pulis na nagpa-hinto sa kanya
(ANN News)

Sa loob ng minivan, mayroong isa pang lalaki na may saksak sa kanyang tiyan. Matapos nito sinaksak ng driver ang kanyang sarili sa kanyang tiyan.

May 2 taong gulang na batang lalaki na naka-sakay sa likod ng van. Napag-alaman na ang bata ay anak ng driver. Mayroon siyang mga sugat at pasa ngunit wala naman pinsala, ayon sa mga pulis.

Ang driver ay isang Koreano ayon sa mga pulis. Ito ay agad na dinala sa pagamutan kung saan ito ay nilapatan ng lunas at ngayon ay nasa stable ng kondisyon. Mag-aantay pa ang mga pulis hanggang sa maging maayos ang kalagayan ng suspek bago pa ulit ituloy ang pag-tatanong rito. Nasa 50 taong gulang ang suspek at ang isa pang pasahero nito, base sa mga pulis.

Ayon sa mga pulis, kinuha ng driver ang bata mula sa kanyang ina nuong sila ay nag-lalakad sa kalsada ng Kawasaki, Kanagawa Prefecture nuong ika-30 ng Abril. Ang ina ng bata ay nag-file ng domestic violence laban sa asawa at nuon ay kasalukuyang naninirahan sa pangangalaga ng gobyerno kasama ang anak na lalaki.

Source: Japan Today
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund