Nag-sagawa ng imberstigasyon ang Nagasaki Prefectural Police sa kasong Murder hingil sa nakitang kalansay sa loob ng isang storage room sa Isahaya City, pinag-hihinalaang ito ang labi ng isang ginang na nawawala pa mula nuong 2009, ulat ng Yomiuri Shimbun.
Ayon sa mga Isahaya Police Station, bandang alas-3:10 ng hapon nuong ika-12 ng Mayo, isang kalansay ng babae ang natagpuan sa loob ng isang storage room sa Tarami Town, pina-niniwalaan na ang ginang na mag-iisang dekada nang nawawala ang may-ari ng nasabing kalansay.
Nuong Martes, lumabas na ang resulta ng isina-gawang DNA test mula sa nakuhang kalansay, kumpirmado na ang natagpuang labi ay kay Ginang Chikako Matsunaga, isang residente ng Lungsod ng Omura na ini-report ng pamilya niya na nawawala mula pa nuong Oktubre ng taong 2009. Ang ginang ay nasa 49 anyos nang siya ay nawala.
Ayon sa mga awtoridad, may mga nakitang pinsala o marka ng sugat sa kalansay ng biktima kung-kaya’t ikinukunsiderang murder at abandoning corpse ang kaso ng sinumang gumawa ng karumal-dumal na pag-patay sa ginang.
Source: Newsonjapan.com
Image: ANN News
Join the Conversation