Sa darating na ika-30 ng Mayo, walang karera at tayaan na mangyayari sa Kyoto race horse track, ngunit marami ang mananalo sa mapapanuod na pyrotechnic na magpapa-ilaw sa mahigit 13,000 paputok sa kalangitan.
Ang 2018 Kyoto Geijutsu Hanabi (Kyoto Artistic Fireworks) ay ang kauna-unahang firework display sa sinaunang kabisera sa loob ng 13 taon, ayon sa mga opisyal ng lungsod.
Mahigit 30 “Shakudama” big shells, ang paiilawin sa araw na ito. Ang basabing paputok ay lumalaki ng mahigit 300 diametro kapag inilawan. Kasama rin dito ang iba’t-ibang mga paputok na mag-tatagal ng mahigit 1 oras na walang tigil at ang bawat pag-putok ay isasabay sa mga tugtugin.
Ayon kay Susumu Yoshida, 69 taong gulang, dating presidente ng FM Kyoto Inc. at ngayon ay pinuno ng organizing committee. ” Nais namin na gawing tampok ito ng Kyoto.”
Ang mga taga-gawa ng baril ng Kunitomo Co. sa Shimogyo Ward ng Kyoto, na siya humahawak ng mga firework shows at mahigit 10 kumpanya sa buong bansa ang magpapa-kita ng kanilang galing sa nasabing event.
Isang kumpanya mula sa Tokyo na nag-papalabas ng mga “artistic fireworks” event sa Nagoya, Sapporo, Fukuoka at iba pang mga lugar nuong mga nakaraang taon ang nag-mungkahi ng nasabing event. Ito ang kauna-unahang event na gaganapin sa Kansai region.
Ito ay iho-host ng mga kumite na kina-bibilangan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, Kyoto City Tourism Association at Kyoto Chambersof Commerce and Industry.
Iminungkahi ng mga organizers ang proyekto sa racecourse operator dahil ang horse race track sa Fushimi Ward ay malapit sa Osaka at maaaring tumanggap ng maraming manunuod.
Matapos ang ilang taong pakikipag-talakayan tungkol sa kikitain at kaligtasan ng mga manunuod, pumayag at nagka-sundo na rin ang bawat kampo na ituloy ang event.
Ang 7,000 na upuan na nagkaka-halaga ng ¥7,560 ($69) ay naka-reserved na.
Ang admission fee ng pag-pasok sa area ng racetrack sa ground level ay nagkaka-halaga ng ¥3,780 sa Junior High School at pataas samantalang ¥540 naman para sa mga elementaryang mag-aaral.
Kung sakaling masama ang panahon sa araw ng event, ito ay makakansela at itutuloy kinabukasan.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang website sa (https://www.kyoto-hanabi.com/)
Source and Image: Asahi Shimbun
Join the Conversation