Sa Saitama, inaresto ng mga pulis ang mag-asawa nuong Miyerkules dahil sa hinalang pag-mamaltrato sa kanilang 1 taong gulang na anak na lalaki. Ang bata ay may timbang na 3.8 kg, ito ay kalahati lamang kung ikukumpara sa normal na timbang sa edad ng bata.
Sina Kenshiro Yamabe at ang asawa nitong si Hitomi, parehas na 25 taong gulang, dahil sa pag-mamaltrato umano sa kanilang anak na si Haruto nuong Oktobre ng nakaraang taon sa loob ng kanilang tinitirahan sa Okegawa, Saitama sa pamamagitan ng hindi pagpapa-kain sa bata.
Tumawag umano sa Emergency Hotline ang mga nasasakdal nang biglaang mawalan ng malay ang kanilang anak. Umamin naman ang dalawa sa mga paratang sa kanila. Sinabi nila sa mga pulis na gatas lamang ang ibinibigay nila dito kapag umiiyak.
At dahil walang nakitang pisikal na pananakit sa katawan ng bata, pina-niniwalaan na ang sanhi ng pagka-matay ng bata ay dahil sa malnutrisyon dahil sa hindi pag-papakain ng mga magulang nito sa mahabang panahon.
Ang naka-tatandang kapatid ng bata na nag-eedad na 3 at 4 na taong gulang ay walang problema sa pangangatawan, kung-kaya’t ini-imbestigahan ng pulis kung bakit si Haruto lamang ag pinag-kakaitan ng pagkain.
Source: Japan Today Image: ANN News
Join the Conversation