Lalaki binaril ng police, patay matapos itong mang atake gamit ang kutsilyo sa southwestern Japan

Sinabi ng deputy chief ng istasyon ng pulis, na ang paggamit ng isang baril ay hindi maiiwasan dahil ang biktima at ang pulisya ay nasa panganib, ngunit ang insidente ay iniimbestigahan pa din. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KUMAMOTO – Isang lalaki na nanaksak gamit ang kitchen knife ang namatay sa isang ospital matapos barilin ng pulisya noong Lunes dahil sinaksak niya ang isang lalaki at isang pulis sa lungsod ng Kumamoto, sinabi ng pulisya.

Tumugon ang dalawang opisyal sa tawag na pang-emergency mula sa isang 65 taong gulang na lalaki, na nagsasabing siya ay sinaksak sa isang parking lot pagkatapos ng  “away” nila ng kanyang kapitbahay na naninirahan sa parehong apartment. Ang biktima, na nakaranas ng mga minor injuries ay nagsabi sa pulisya na biglang inatake siya ng suspect noong siya ay papasakay sa kanyang sasakyan.

Ang opisyal ay nagpaputok ng limang shots matapos siyang daganan ng suspect na may hawak na kutsilyo at sinasaksak siya, nahiwa ang mukha ng police ng tatlong beses na may halos 15 cm ang haba.

Sa limang shot, tatlo ang tumama sa katawan ng suspect. Ang lalaki ay inanunsyo na patay sa isang ospital, isang oras ang nakalipas.

Nagbigay ng babala ang police sa suspect bago niya paputukan ito ng baril.

Sinabi ni Shingo Eto, deputy chief ng istasyon ng pulis, na ang paggamit ng isang baril ay hindi maiiwasan dahil ang biktima at ang pulisya ay nasa panganib, ngunit ang insidente ay iniimbestigahan pa din.

Photo Courtesy: Japan Times

Ang opisyal ay inatake sa harap ng isang fire station na 400 metro mula sa parking lot, sa isang tahimik na residential place na mga 500 metro sa silangan ng Tatsutaguchi Station.

Source: Japan Times

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund