Isang South Korean na lalaki ang inissue-han ng Warrant of Arrest nuong Miyerkules sa jasong Attempted Murder sa isang Hapon sa NHK headquarters sa Tokyo nitong simula ng buwan lamang. Sinabi ng suspek na ang pananaksak ay isang mensahe sa Japanese Media dahil sa kanilang ” iresponsableng pag-babalita” pahayag ng mga pulis.
Si Lee Jae-Hyeon, 46 taong gulang, ay pinag-hihinalaang sumaksak sa 48 anyos na lalaking hapon na nag-lalakad malapit sa opisina ng NHK bandang alas-9:30 ng gabi nuong ika-18 ng Mayo. Ginilitan umano sa leeg ng suspek ang biktima. Ito ay nag-tamo ng 15 cm ka-haba at 5 cm ka-lalim na hiwa sa leeg.
Ayon sa mga pulis, kusang nag-tungo si Lee sa Shibuya Police Station kinabukasan at umamin sa pagkaka-sangkot sa insidenteng pananaksak.
Sinabi umano ni Lee sa mga imbestigador na inatake niya ang biktima dahil ito ay mataas umano ang katungkulan sa broadcasting. Ayon sa pulis, hindi umano magka-kilala ang suspek at ang biktima.
Hindi na muling nag-bigay ng pahayag ang suspek mula nang ma-issue ang Warrant of Arrest.
Ang biktima ay residente ng Kanagawa Prefecture at isang empleyado ng isang video production company at malimit makitang nag-tatrabaho para sa mga pampublikong mambabalita.
Base sa mga pulis, si Lee ay inaresto sa hinalang pag-labag sa Immigration Law nuong siya ay pumunta sa istasyon ng pulis nuong ika-19 ng Mayo.
Kinumpirma ng mga awtoridad ang salaysay ng suspek mula sa mga security camera na naka-kabit sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.
Source and Image: The Japan Times
Join the Conversation