Nuong Miyerkules, sinampahan na ng kaso ang isang amerikano sa salang pag-patay sa isang babae sa Osaka nuong Pebrero.
Ayon sa indictment, si Yevgeniy Vasilievich Bayraktar, 27 anyos ay sinakal ang 27 anyos na si Saki Kondo sa isang condominium na pina-uupahan sa mga turista sa kanlurang bahagi ng Japan nuong ika-16 ng Pebrero.
Ang isinampang kaso ng prosekyutor sa suspek ay hindi Murder kundi Injury Resulting in Death dahil hindi umano malinaw ang hangarin sa pag-patay sa biktima.
Sinampahan na rin ng kaso si Bayraktar dahil sa salang pag-putol sa katawan at pag-tapon ng katawan ng biktima sa iba’t-ibang lugar sa Kyoto at Osaka sa pagitan ng ika-18 ng Pebrero hanggang ika-21 ng Pebrero.
Sa isang video footage mula sa isang surveillance camera, nakitang kasama ni Kondo si Bayraktar na pumasok sa condominium at labas pasok ang huli sa nasabing building na mayroon ng hawak na maleta.
Ayon sa mga imbestigador, si Kondo at Bayraktar na dumating sa Japan nuong Enero, ay nag-papalitan ng mensahe gamit ang isang social networking website.
Source: Japan Today Image: ANN
Join the Conversation