Isang interpretation device na mayroong espesyal na disenyo para magamit ng mga health-care worker at mga dayuhang pasyente. Kasalukuyang dini-develope pa rin ang nasabing device upang magamit sa darating na 2020 Tokyo Olympics at Paralympics.
Ang National Institute of Information and Communication Technology (NICT) at Fujitsu Laboratories Ltd. Ay inaasahang mai-launch ang kanilang produkto bago matapos ang taong ito.
Ayon sa mga opisyal, ang nasabing produkto ay mayroong kakayahang mag-salin ng mga expression at terminong ginagamit pang-medikal upang matukoy ang karamdaman ng isang pasyente tulad ng “shiku-shiku” (nagging) at “zuki-zuki” (throbbing) at iba pang mga termino o salita na ginagamit lamang sa larangan ng medisina.
Nuong Marso, si Maiko Imuta, 36 anyos na nurse sa Yonemori Hospital sa Kagoshima ay nag-tanong sa isang 60 taong gulang na Tsinong pasyente na nag-mula sa Beijing. “Ano ang mga gamot na kasalukuyang iniinom mo? ” ani ni Imuta sa wikang Hapon, agad naman naisalin sa wikang tsino ang katanungan ni Imuta gamit ang device na ikinabit sa kanyang dibdib. At nang sumagot ang pasyenta gamit ang kanyang wika, ito rin ay agad naisakin sa wikang hapon.
Ang University of Tokyo Hospital ay tumu-tulong rin sa pag-develope ng nasabing device, sa pamamagitan ng VoiceTra isang speech translation app ng NICT.
Idinagdag rin sa device ang Jargon o mga katagang mahirap bigyan ng kasing-kahulugan sa ibang mga lengwahe at mga paliwanag tungkol sa karamdaman ng isang pasyente upang ito ay mas lalong maging user-friendly.
Sa kasalukuyan, dakawang kengwage lamang ang naka-paloob sa device, Englus at Chinese. Inaasahang madagdagan at maging 10 lengwahe ang maipa-loob sa nasabing device bago sumapit ang taong 2020.
Ayon sa mga opisyales, ang kanilang produkto ay may kakayahang mag-salin ng mga salitang mahirap isalin sa iba’t-ibang lengwahe gamit ang kasalukuyang mga traslating device. Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga katagang mahirap isalin sa ibang lengwahe;
“Choroidal Detachment could occur as a complication.” at “Meningitis often occur with no infectious disease in other pulmonary site. ”
Ani pa ng mga opisyal, “Marami, daan-daan at libo-libo ang mga salita at expression na ginagamit sa larangan ng medisina. Karapat-dapat lamang na mayroong ganitong device na nakakapag-salin ng mga teknikal na termino pang-medisina.”
Pahayag ni Eiichiro Sumita ng NICT, “Hindi nararapat na magkaroon ng pagkaka-mali sa pag-salin ng mga teknikal na termino pang-medisina at mag-sanhi ng pinsala sa mga pasyente.”
Medyo natatagalan ang pag-gawa nito dahil sa maingat na pag-buo ng disenyo ng nasabing device.
Source and Image: Asahi Shimbun
Join the Conversation