Ayon sa mga source nuong ika-14 ng Mayo, nag-pasa ang mga awtoridad ng kaso sa prosekyutor ukol sa isang navy serviceman na maaaring responsable sa pag-laganap ng ipinag-babawal na gamot sa paligid ng Yokosuka Naval Base sa Kanagawa Prefecture.
At ayon pa rito, ang 24 anyos na crew member ng USS Ronald Reagan Aircraft Carrier na naka-talaga sa loob ng base ay pinag-hihinalaang lumabag sa Narcotics and Psychotropics Control Law.
Ini-imbestigahan rin ng U.S Navy ang suspek at ilan pang service crewmen sa posibleng pag-gamit ng ipinag-babawal na gamot sa loob ng base.
Sinabi ng mga imbetigador na boluntaryong sumama ang suspek upang ma-imbestigahan, ngunit nananatiling tikom ang bibig nito sa nasabing alegasyon.
Pina-niniwalaan na nakuha ng suspek ang 18 grams na dalawang klase ng droga sa pamamagitan ng international mail mula sa Canada na ipinadala nuong Disyembre, 2017 at Enero nitong taon.
Ang 2 envelope ay dumating sa Narita Airport at naka-schedule na ihatid sa kanyang tahanan sa labas ng base.
Gayunpaman, kinumpiska ng isang inspektor sa Yokohama Customs ang mga kontra-bando.
Base sa source, kinumpiska rin ng mga imbestigador ang ilang pina-niniwalaang ilegal at mapa-nganib na droga, kasama rito ang isang mobile fone at computer sa loob ng bahay ng suspek.
Nakikipqg-ugnayan na rin ang mga opisyales ng U.S Military at Prefectural Police. Sila ay nag-palitan ng impormasyon at ebidensya laban sa suspek.
Nilalayon rin ng mga pulis na madagdagan ang kaso ng suspek dahil sa karagdagang ilegal na gamot na nakumpiska mula sa kanyang tahanan.
Ayon sa mga awtoridad, pinag-desisyonan nila na hindi na kailangang hulihin ang suspek dahil ito ay binabantayan ng mabuti ng U.S Navy. Hindi rin ito basta-basta makaka-takas o makakapag-tago ng ebidensya.
Source and Image: Asahi Shimbun
Join the Conversation