Impeksyon ng tigdas galing sa Pilipinas, pinaka-una ngayong taon sa Chiba

Sinabi ng opisyal na mayroong mataas na posibilidad na ang impeksiyon ay mula sa Pilipinas.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang lalaki sa Narita City, Chiba Prefecture ang natuklasang nagkaroon ng impeksyon ng sakit na tigdas.

Ayon sa Prefecture ng Chiba, ang lalaki ay dumating sa Japan noong Mayo 1, isang Pilipino na naninirahan sa Narita na nasa kanyang 20’s. Siya ay nakaranas ng sintomas tulad ng lagnat at noong pumunta siya sa hospital upang magpatingin, ito ay na-diagnosed bilang “measles” o tigdas.

Photo courtesy: FNN Prime

Sinabi ng opisyal na mayroong mataas na posibilidad na ang impeksiyon ay mula sa Pilipinas.

Sa Chiba prefecture, ito ang unang kaso ng impeksyon sa 2018.

Sa maraming lugar, ang pagkalat ng tigdas ay nagpapatuloy, ayon sa National Institute of Infectious Diseases, ang bilang ng mga pasyente na may tigdas hanggang May 14 ay tumaas sa 154 na tao sa 12 prefecture.

Source: FNN Prime
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund