Ang mga taong mahilig mag-sight seeing at mga taong mahilig kumuha ng litrato ay dumagsa sa isang park na malapit sa paanan ng Mt. Fuji, na pinaka-mataas na bundok sa Japan upang makita at matunghayan ang mga iba’t-ibang kulay ng mga tulips na namumukadkad sa ganda.
Ang mahigit 30 hektarya na pasyalan sa Prepektura ng Yamanashi ay nag-babahay sa mahigit 170,000 tulips.
Ayon sa mga opisyales ng nasabing pasyalan, namukadkad ang mga bulaklak ng tulips 7-10 araw na mas maaga dahil sa biglaang pag-init ng panahon.
Marami ng bumisita sa nasabing pasyalan upang makita ang iba’t-ibang kulay ng tulips nuong Lunes sa gitna ng mahabang bakasyon dahil pista opisyal. Marami ang kumuha ng litrato ng mga bulaklak habang ang background ay ang Mt. Fuji.
Isang highschool student na galing pa ng Kanagawa Prefecture na bumisita sa park kasama ang kanyang pamilya ay nag-sabi na, “ Ang mga makukulay na bulaklak ang nag-paganda lalo sa park.”
Siya daw ay maligaya at nakita niya ng malapitan ang Mt. Fuji.
Ayon sa mga opisyales ng park, ang kanilang mga tulips ay patuloy na ma-mumukadkad hanggang sa simula ng buwan ng Mayo.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation