Hello Kitty restaurant, nag-bibigay ” Ngiti” sa Awajishima

Bisitahin ang Hello Kitty restaurant sa Hyogo Prefecture.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Hello Kitty Smile, Awajishima

Paniguradong magugustuhan ng mga bata at mga fans na mahihilig sa mga “cute” na bagay ang bagong bukas na Hello Kitty Smile restaurant na may overlooking na tanawin sa Seto Inland Sea, habang ang 2 metro kataas na istatwa ng sikat na karakter ay naka-silip sa karagatan.

Ito ay nag-bukas nuong ika27 ng Abril sa dalampasigan ng Nojima-Hikinoura Disrict sa Awaji.  Ang venue ay mayroong 120 metrong haba, isang cylinder-shape na pasilidad na purong puti ang kulay.

Ang dalawang palapag na pasilidad ay mayroong steel-frame structure, may mahigit 700 na upuan sa terrace at restaurant nito. Ang restaurant ay nag- tatampok ng Japanese, Chinese Cuisine at marami pang iba.

Isang dome-shape theater ay naka-kabit sa loob ng Hello Kitty statue, kung saan ma-eenjoy ng mga panauhin ang projection mapping show na may temang Dream World ng cute na cartoon character sa halagang ¥1,500 ($13.50) plus tax.

Room covered with Hello Kitty stuffed toys.

Ang Pasona Group ang nasa likod ng proyektong ito upang maka-akit ng mga turista sa isla. Sa pamamagitan ni Hello Kitty, na mayroong libo-libong fans sa buong mundo.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang website sa (http://awaji-resort.com/hellokittysmile/

Source and Image: Asahi Shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund