Ayon sa health ministry research paper, halos 80% ng mga medical institution sa bansa ay hindi sumisingil para sa interpretation services at iba pang medical assistance na kinakailangan ng tagapag-salin ng lenguwahe sa mga dayuhang nag-papagamot.
Dahil sa dumaragdag ang bilang ng mga dayuhang pumapasok sa bansa, higit na kailangan ang ganitong mga serbisyo. Ngunit ang ganitong serbisyo ay may ka-mahalan.
Ipina-pakita sa preliminary calculation ng ministro ang gastusin kapag gumamit ng ganitong serbisyo. Kina-kailangan ng mahigit 18 milyong yen ($164,200) hanggang 26 milyong yen kada taon upang maasikaso ang mga banyagang pasyente. Kasali sa halangang ito ang coordinators, medical interpreters at nurses na marunong mag-salita ng ibang lengwahe para sa isang pagamutan na maaaring tumanggap ng mahigit 50 banyagang pasyente. Maaaring umabot ng 3 hanggang 5 lapad ang gastusin ng isang pasyente.
Hindi pa kasali sa nabanggit na halaga ang labor costs ng mga doktor at nurses na nag-tatrabaho ng sobrang oras dahil dumo-doble ang oras dahil sa pagkakaroon ng mediator o medical interpreter.
Ang project team ng Liberal Democratic Party ay inaasahang mag-sumite ng isang propasal sa pamahalaan, tungkol sa pag-singil ng mga medical institution sa mga pasyente na nangangailangan ng interpretation services.
Sa kasalukuyan batas, sinisingil ng mga medical institute para sa kanilang consultation fee ang isang dayuhang pasyente base sa alituntunin ng ospital.
Ipina-kita ng Health Ministry nuong ika-20 ng Abril ang resulta ng survey nuong 2016 na isinagawa ng Project Team ng LDP.
Ang resulta ng nasabing survey ay nag-tala ng halos 83% ng 1,456 na medical institutes ang hindi sumisingil ng kaukulang bayad mula sa mga banyagang pasyente na nangailangan ng interpretation services.
Sa isa pang survey gamit ang parehong pala-tanungan, mula sa mahigit 3,749 na emergency designated hospital, 282 na medical institutes lamang ang inatasan ng Japan Tourism Agency nuong 2015 bilang mga institusyon na angkop at rekomendado para sa mga dayuhan.
Source and image: The Asahi Shimbun
Join the Conversation