Nananawagan ang Japanese Foundation sa mga dayuhan/turista na hindi sanay sa maalansangang klima sa Japan, dahil ito ay kadalasang dahilan ng heatstroke.
Gumawa sa kauna-unahang pagkaka-taon ng mga English leaflets ng paraan upang maiwasan ang heatstroke at mga dapat gawin kapag na-heatstroke ang Japan Weather Association para sa kasalukuyang bilang ng dayuhan/turista na nasa bansa. Ito ay maaari pang madagdagan dahil sa 2020 Tokyo Olympic at Paralympic Games.
Ang mga leaflets ay planong ipa-migay sa susunod na buwan, ngunit dahil sa hindi inaasahang pag-taas ng temperatura nuong Miyerkules, na umabot ng mahigit 30 degree celcius sa Tokyo. Ito ay nag-bigay alarma sa pamunuan ng nasabing asosasyon, kung-kaya’t napa-aga ang pag-bibigay sa mga fliers.
Nuong Miyerkules sa isang Tourist Information Office sa Shinjuku Ward ay nag-simula ng ipamahagi ang nasabing leaflets.
Naka-sulat dito kung ano ang dapat gawin upang mabigyan ng paunang lunas ang pasyenteng na heatstroke at kung papa-ano tumawag ng ambulansya. Upang maka-akit ng atensyon, ang isang bahagi ng leaflet ay maaaring gawing Origami.
Ayon sa survey na ginawa ng asosasyon, napag-alaman nila na mahigit 70% sa mga dayuhang naninirahan sa bansa ay naka-raranas ng sintomas ng heatstroke tulad ng pang-hihina at pagka-hilo.
Ayon sa isang eksperto, dahil sa init at maalinsangang klima sa Japan, ang mga dayuhan/turista ay mayroong mataas na risk na atakihin ng heatstroke.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation