Isang lalaki na kinilalang pangunahing sekretarya sa Embahada ng Bulgaria ang natagpuang wala ng buhay sa kalsada sa tapat ng isang pang-komersyal na gusali sa Shinjuku nuong Lunes ng umaga sa hinalang pagpapa-tiwakal, ayon sa mga pulis.
Mula sa ulat ng Sankei News, isang eyewitness ang tumawag sa emergency services dahil mayroon siya umanong nakita na nahuhulog na tao mula sa mataas na gusali. Nang dumating ang emergency service, natagpuan na nilang naka-handusay sa kalsada ang katawan ng isang lalaki na walang-malay. Agad na isinugod sa pagamutan ang lalaki, ngunit sa kasamaang palad ito ay idineklarang wala nang buhay.
Ang lalaki ay nakilala bilang pangunahin sekretarya sa Embahada ng Bulgaria sa Tokyo na nasa Shibuya Ward. Ang lalaki, na hindi pinangalanan ay nasa 41 taong gulang at kasisimula pa lamang ng kanyang termino sa Embahada nuong Marso.
Ayon sa ilang nga eyewitnesses, nakita nila umano ang lalaki na nakatayo sa ika-7 palapag ng gusali bago ito nahulog sa kanyang kamatayan. Walang nakitang suicide note sa lugar ng pinangyarihan, ayon sa mga awtoridad.
Source: Japan Today Image: japan-guide.com
Join the Conversation