Share
Napaka-raming naka-sabit na palawit na Karpa malapit sa Mt. Fuji, bago pa sumapit ang Araw ng Kabataan sa ika-5 ng Mayo.
Ang nag-gagandahan at makukulay na palawit ay isinabit sa isang pasyalan kung saan maaaring makapag-laro at mag-camping ang mga bata sa kalikasan.
Isang alamat ang pinag-mulan ng simbulong ito, ayon sa alamat mayroong isang karpa na lumangoy salungat sa agos ng isang talon (Waterfalls), at ito ay naging isang dragon. Ang isda ay simbulo ng magandang kalusugan at malaking tagumpay.
Sa park, maaaring gumapang sa loob ng malaking palawit ng karpa ang mga bata.
Ang kaganapang ito ay hanggang ika-6 ng Mayo lamang.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation