Tokyo- Pinaghahanap ngayon ng police ang isang lalaki na nagnakaw ng isang taxi at nasugatan ang driver. Alinsunod sa pulis, ang pangyayari ay naganap bandang 4:30 ng hapon noong martes sa Koishikawa, Bunkyo Ward.
Iniulat ng Fuji tv na ang taxi ay naka-park na at walang sakay habang ang driver ay nasa toilet. Noong siya ay bumalik sa kanyang taxi, napansin niya na may isang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa driver’s seat. Ang driver ng taxi, na nasa kanyang 70s, ay nabigo sa tangka nitong pigilan na makaalis ang taxi sa pamamagitan ng pagkapit nito sa pintuan ngunit siya ay natumba at nabali ang kanyang kaliwang collarbone.
Ang mga nakasaksi ay tumawag sa 110. Ang taxi ay natagpuang inabanduna sa isang malapit na park na walang senyales kung nasaan ang carnapper.
Ang pinaghihinalaang carnapper ay sinabing nasa kanyang 20s, marahil galing sa southeast asia, halos 170 centimeters ang tangkad, at suot ang isang navy cardigan noong oras ng mga pangyayari.
Source: Japan Today
Join the Conversation