Sa lungsod ng Niigata, isang 7 taong gulang na bata ang pinatay nuong ika-7 ng Mayo. Ayon sa mga awtoridad, nag-sabi umano ang biktima sa isa sa kanyang kaibigan na may sumusunod na lalaki sa kanya nuong umaga na naka-suot ng sunglasses at naka-itim na kasuotan.
Si Tamaki Omomo, 7 taong gulang at nasa ikalawang baitang sa Kobari Elementary School sa Nishi Ward ng Lungsod ng Niigata. Ayon sa Lupon ng Edukasyon sa Lungsod ng Niigata, ang biktima ay nag-sabi umano sa kanyang kaibigan nuong umaga na may sumusunod sa kanyang lalaki habang papasok sa paaralan.
At ayon rin sa lupon, ipinag-bigay alam umano ng pinag-sabihang kaibigan sa kanilang paaralan ang insidenteng nangyari sa biktima nuong umaga nang mabalitaan nitong nawawala si Omomo habang pauwi mula sa eskwela.
Ang katawan ng batang biktima ay nasagasaan ng tren bandang alas-10:30 ng gabi sa seksyon ng JR Echigo Line ng Aoyama at Kobari Station.
Nuong mga oras na iyon mahigit 100 pulis ang nag-hahanap sa paligid sa nawawalang bata.
Sinabi ni Masayuki Aoki, pinuno ng Criminal Investigation Unit ng Prefectural Police Department, ” Nakalulungkot na hindi agad nahuli ang suspek ngunit dahil sa oras at sitwasyon ng lugar, nahirapan makakita ang aming kapulisan. ”
Base sa resulta ng autopsiya na ginawa sa labi ng biktima, ang sanhi ng pagka-matay nito ay ang pag-sakal at maka-raan ang ilang oras inilagay sa riles ng tren ang walang-buhay na katawan nito.
Hinala ng mga pulis, nais ng suspek na mag-mukhang aksidente ang nangyari sa bata.
Ani ng mga pulis, pamilyar sa lugar at schedule ng tren ang suspek.
Ayon sa mga imbestigador, hindi lamang natakasan ng kilker ang mga pulis, isang malaking pala-isipan din sa mga awtoridad kung paano nailagay ng suspek ang katawan ng bata sa riles ng tren gayung mayroon lamang na 9 na minutong pagitan ang pag-palitan ng mga byahe ng tren.
Ang lugar na pibangyarihan ng insidente ay napaka-dilim sa gabi, mababa lamang ang bakod na nakapaligid sa riles ng tren kung-kaya’t ito ay madaling malundagan.
Ini-imbestigahan na rin ng mga pulis ang mga report tungkol sa lalakibg nang-hahablot ng braso ng mga babae sa nasabing lugar nuong tag-lagas nuong nakaraang taon.
Ang lugar na kung saan nakita ang biktima ay may layo na 470 metro mula sa crossing kung saan nag-hiwa hiwalay ang biktima at kanyang mga kaibigan at kamag-aral bandang alas-3:00 ng hapon nuong araw din yun.
Ang tirahan ng biktima ay mayroong 300 metro layo mula sa crossing. Mayroong mga taong naka-kita sa bata na nag-lalakad mag-isa sa direksyong pauwi sa kanilang tahanan.
Tumawag ang ina ng biktima sa paaralan ng anak bandabg alas-4:20 ng hapon upang ipa-alam na hindi pa umuuwi sa kanilang bahay. Agad rin tumawag ang ginang sa mga pulis bandang alas-5:00 ng hapon, matapos kunpirmahin ng isang school staff na hindi nila makita si Omomo.
Source and Image: The Asahi Shinbun
Join the Conversation