Sa Muroto, Kochi Prefecture ay mayroong dalawang kweba kung saan naka-ranas umano ng ispiritwal na pagka-mulat ang sikat na pari na si Kukai (774-835). Muling isasa-publiko ang banal na kweba matapos ang matagal na panahon na ito ay isinara.
Simula sa Disyembre, papayagan ng bumisita ang mga tao at mga Budistang pari sa kweba ng Mikurodo at Shinmeikutsu sa Murotomisaki cho District, matapos iyong ipa-sara dahil sa insidenteng pag-guho ng malalaking bato.
Ito ang kauna-unahang pag-bubukas muli ng mga nasabing kweba makaraan ang 3 at 6 na taon bawat kweba.
“Ikina-lulungkot ko ang matagal na pag-aantay ng mga tao at deboto sa muling pag-bubukas ng kweba.” saad ng alkalde ng lungsod na si Mayor Kenji Komatsu. “Masaya ako dahil muling maisasa-publiko ang mga kweba.” dagdag pa ng alkalde.
Ang Mikurodo sa talampas ng silangang bahagi ng Cape Muroto na katabi lamang ng Shimeikutsu ay mga kilalang lugar kung saan ang batang Kukai o kilala rin sa pangalang Kobo Daishi ay nag-sanay sa pagiging Buddista nuong 1,200 taon ang nakalilipas.
May mga nagmamay-ari sa lupain kung saan naroon ang mga kweba, ngunit pina-payagan nila ang mga deboto at mga tao na pumasok at bisitahin ang kweba.
Ngunit dahil sa insidenteng nangyari nuong Nobyembre ng taong 2015, may batong nahulog sa kweba na may laking 2.5 metro na haba at 50 sentimetro na lapad, ang sanhi ng pag-guho ng lupa ay dahil sa patuloy na pag-ulan. Ipinag-utos ng Lungsod ng Muroto na ipasara ang mga kweba. Nilagyan ng mga tali ang pasukan ng kweba.
Dahil sa parehong insidente, ipina-sara rin ang Shinmeikutsu nuong 2012.
Naka-tanggap ang lokal na pamahalaan ng maraming kahilingan mula sa mga deboto na muling buksan ang nasabing kweba.
Ani ng isang deboto, ” Nais ko lang makita ang mga tanawin na nakita ni Kukai.”
Meron naman din na nag-sabi na “Gusto ko lamang maka-pasok sa loob ng mga kweba.”
Bagama’t hindi maiiwan ang pag-bagsak ng mga bato na maaaring maka-sira sa magandang tanawin sa loib ng kweba, napag-desisyunan na mag-lagay ng pansamantalang tent na nababalutan ng metal mesh sa pasukan ng mga kweba upang mag-silbing proteksyon. Ito ay matapos ang usapan sa mga sumusunod na ahensya; Agency of Cultural Affairs, Environment Ministry atbp…
Paalala ng isang opisyal sa Lupon ng Edukasyon sa mga nais bumisita sa naturang lugar, ” Bigyan atensyon ang sariking kaligtasan at maging alerto sa oras na nasa loob n kweba.”
” Sagutin mo ang iyong sarili kapag pumasok sa loob ng kweba, dapat ay naka-suot ng safety hat ang mga bisitang papasok rito. ” dagdag pa ng opisyal.
Si Yunyo Kawasaki, 24 taong gulang, isang budistang pari mula pa sa Takasaki, Gunma Prefecture ay bumisita sa kweba nuong ika-24 ng Abril ang nag-sabi, ” Kakaiba ang pakiramdam at naka-bibighani ang tanawin sa loob ng kweba, para ako lalong mas napa-lapit kay Kukai.”
Ayon sa kwento, nakita raw umano ni Kukai na lumilipad pa-pasok sa kanyang bibig ang venus matapos magising ang ispiritwal na diwa sa loob ng kweba. Matapos ang misteryosong pang-yayari, siya ay gumawa ng kanyang Buddhist name at ito ang “Kukai”. Ku ay (langit) at Kai ay (karagatan). Ito ay dahil itong 2 bagay lamang ang inyong makikita sa loob ng kweba.
Napili ng Environment Ministry ang Mikurodo bilang isa sa 100 na lugar kung saan makaka-rinig ng magandang tunog mula sa alon ng mga karagatan sa paligid ng lugar.
Sinabi rin ni Kawasaki na ” Ako ay natutuwa dahil muling isasa-publiko ang mga kwebang pinag-mulan ng pangalang “Kukai”, matapos marinig ang naging desisyon ng lungsod ng Muroto tungkol sa banal na kweba.
Source and Image: Asahi Shimbun
Join the Conversation