Ipina-kilala ng Starbucks Japan ang pinaka-bago nilang inumin na mayroong roasted green-tea based Frappuccino. Ito ay isa sa unique na inumin, ang kukay nito ay parang isang kumikinang na ginto.
Ang coffee chain ay inumpisahan na ang kanilang “Starbucks Japan Wonder Project” sa pag-labas ng kanilang bagong Frappuccino na mayroong espesyal na klase ng Hojicha (roasted green tea). Ito ay ang Kaga Bo Hojicha (Kaga stick roasted tea). Ang Japan Wonder Project ay tutuonan ng pansin ang iba’t-ibang sangkap sa pag-luluto ng bansang Japan na hindi papular ngunit may potensyal na nagamit at maibahagi sa mga consumers sa isang kawili-wili at kaaya-ayang modernong klase nang pagkain at inumin na may kaunting twist ng Starbucks.
Ang kauna-unahang produkto ng Japan Wonder Project ay ang Kaga Bo Hojicha Frappuccino na gawa sa roasted green tea na mula sa Kaga Domain ( na ngayon ay kilala bilang Toyama at Ishikawa Prefectures), kung saan ang hugus tangkay lamang ang ginagamit. Ang nasabing tangkay ay tinutusta at nag-lilikha ng tsaa na mayroong mala-gintong kulay at may-lasang tostado at mabangong aroma.
Ipinaliwanag ng Starbucks sa kanilang press release na ang Prepektura ng Ishikawa ay may kasaysayan tungkol sa tradisyon ng sining at kultura na importante bahagi ng lokal na ekonomiya mula pa nuong pamumuno ng Maeda Clan nuong Edo Period. At hanggang ngayon ang nasabing lugar ay mayaman sa de-kalidad na iba’t-ibang klase ng tsaa at crafts. Sinabi rin sa press release na ang Kaga Bo Hojicha ay nag-simula nung 20th century, nuong ang mga tsaa ay hindi pa pang masa. Isang tea merchant na si Hayashiya Shinbei ang nag-desisyon na ibenta ang nasabing tangkay ng tsaa na nuon ay itina-tapon lamang, at mula nuon ay naka-gawa siya ng isang produkto na ginusto ng lahat.
Ang Frappuccino ay gawa sa pinag-halong roasted tea na nilagyan ng frothy white chocolate na may jelly na gawa rin sa nasabing tsaa, at bubud-buran ito ng powder type na tsaa sa ibabaw. Kung-kaya’t ang tradisyonal na tsaa ay nahaluan na ng modernong klase ng inumin na palaging malalasahan sa mga produkto ng Starbucks. Kahit na nuon pa man ay nag-labas na ng roasted tea drink ang sikat na coffee chain nuon, ito ay hibdi maihahambing sa kanilang bagong produkto.
Inaasahan ng Starbucks na tangkilikin ng lahat ang pinaka-bago nilang produkto.
Kung ang pinaka-bagong produkto ng Starbucks ay nag-bibigay ng interest sa inyo, sila ay gumawa ng kanilang Instagram account para sa Japan Wonder Project. Ang account ay nasa wikang hapones ngunit ma-eenjoy ninyo ang iba’t-ibang litrato ng mga lugar sa Japan na mag-bibigay sa lahat ng kakaibang pananaw sa bansang Japan.
Ang Kaga Bo Hojicha Frappuccino ay nag-kakahalaga ng ¥620 ($5.71) sa Tall size, hanggang ika-19 ng Hulyo lamang. Kung kayo ay nasa Japan, samantalahin na uminom at tikman na ang isang tradisyonal na tsaa ay maaaring din maging pang-himagas.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation