Inaresto ng mga kapulisan sa kanlurang bahagi ng Japan ang isang lalaki matapos maka-takas umano ito sa bilanguan 20 araw ang naka-lipas.
Ayon sa mga pulis, naka-kuha sila ng tip na si Tatsuma Hirao ay nasa Lungsod ng Hiroshima, agad silang umaksyon at agad din namang nahuli ang suspek nuong hapon ng Lunes.
Umamin naman umano si Hirao sa kanyang pagkaka-kilanlan at nag-tugma umano ang finger prints ng suspek at ng presong naka-takas mula sa bilanguan.
Tumakas umano si Hirao sa bilanguan sa Imabari, Ehime Prefecture nuong ika-8 ng Abril. Siya ay naka-kulong sa iab’t-ibang kaso at isa na rito ay ang pag-nanakaw.
Inilagay ng kapulisan ang 27 anyos na suspek sa listahan ng mga wanted o kriminal, nationwide.
Bago pa ma-aresto si Hirao nuong Lunes, nakita umano sa isang footage ng isang security camera sa Mukaishima, Hiroshima Prefecture ang isang lalaki na may pagkaka-hawig sa suspek.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation