Ang Japanese nurseries at iba pang workplaces na may manggagawang puro babae ay may in-house policy na: ang mga kababaihan ay kailangan maghintay ng kanilang turn na mabuntis upang maiwasan ang magkaka-sabay sabay na mga manggagawa na kukuha ng maternity o childcare leave ng sabay.
Ang issue ay napag-usapan sa television shows at nagkaroon ng online na debate tungkol sa human rights matapos ma post sa Mainichi Shimbun daily newspaper ang sulat galing sa kanilang reader noong Pebrero na nagsabi na ang head ng isang private childcare facility sa Aichi Prefecture, Central Japan, ny nag desisyo na magkaroon ng “pregnancy order” sa kanilang mga manggagawa.
Ang nagsulat ng letter ay nagsabi na siya at ang kanyang asawa, na nagta-trabaho sa childcare facility, ay nakaramdam ng pago-obliga na humingi ng sorry sa kanilang facility director dahil nabuntis ang kanyang asawa ng wala pa sa nakatakda niyang panahon na mabuntis.
Ngunit sa gitna ng malubhang mga kakulangan sa daycare na kinakaharap ng bansa, ang desisyon na ito ay kinakailangan.
“Ang isa sa mga pangunahing dahilan ay ang pahirapan sa pagkuha ng substitute staff” upang pansamantalang pumalit habang nasa maternity leave ang manggagawa, sinabi ng isang member ng union.
“Ang system na ito ay lumalabag sa right to self-determination kung kailan gustong mabuntis,” ayon kay Yumiko Akutsu, isang lawyer na nagsasagawa ng legal consultations sa mga taong nasa ganitong sitwasyon. “Ito din ay isang infringement of the rights para sa mga mister ng mga babae”.
Source: Japan Today
Join the Conversation