Ang mga kababaihang single, “isang pasanin sa estado”, sabi ng Japanese MP

Nakatanggap ng kritisismo si Kanji Kato sa pagsabi sa mga kababaihan na magkaroon ng maramihang anak matapos bumaba ang birthrate sa pinakamababang antas mula noong 1899.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang isang MP mula sa namamahalang partido ng Japan ay nakatanggap ng  akusasyon ng sexism matapos na sinabi niya na ang mga kababaihan ay dapat magkaroon ng maraming anak at binigyan ng babala ang mga nagnanais na manatiling single na sila ay magiging isang pasanin sa estado pag dating ng panahon.

Sinabi ni Kanji Kato, isang miyembro ng partido ng punong ministro na si Shinzo Abe, noong siya ay hilingan ng speech sa isang pagdiriwang ng kasal, hinihikayat niya ang mag-asawa na gumawa ng “hindi bababa sa tatlong anak”.

Kapag may nakakausap siya na mga babae na nagsasabing hindi sila mag-aasawa, si Kato, na may anim na anak at walong apo, ay nagsabi: “Sinasabi ko sa kanila na kung hindi sila magpakasal, hindi sila magkakaroon ng mga anak, at kalaunan ay walang mag-aalaga sa kanila at mapupunta sila sa mga home for the agent na kung saan babayaran ito ng buwis galing sa mga anak ng ibang mga tao. ”

Nakatanggap ng kritisismo si Kanji Kato sa pagsabi sa mga kababaihan na magkaroon ng maramihang anak matapos bumaba ang birthrate sa pinakamababang antas mula noong 1899. (The Guardian)

Ang kanyang mga komento, na iniulat ng TBS News, ay lumabas pagkatapos ng opisyal na data na nagpakita na ang bilang ng mga bata sa Japan ay bumaba  sa pinakamababang na record. Hanggang Abril 1, 2018 ay may 15.53 milyon na mga bata na may edad na 15 taong gulang, na bumagsak ng 170,000 mula sa nakaraang taon, ayon sa internal affairs ministry.

Noong nakaraang taon, may 941,000 na mga bata ang ipinanganak sa Japan, ang pinakamababang bilang mula noong nagsimula ang mga rekord noong 1899.

Ang birthrate ng bansa ay nananatiling mababa ang antas sa kabila ng pagbibigay ng pinansyal at iba pang mga insentibo upang hikayatin ang mag-asawa na magkaroon ng mas malaking pamilya.

Kabilang sa 32 bansa na may populasyon na 40 milyon o higit pa, ang Japan ay pinakamababa sa mga tuntunin ng porsyento ng mga bata sa pangkalahatang populasyon, sa 12.3%, ayon sa UN yearbook ng demographic.

Si Kato, 72, ay hindi ang unang politiko ng Japan na iminumungkahi na dapat isaalang-alang ng mga kababaihan ang magka-anak bilang pangunahing papel sa buhay.

Noong 2007 ang dating ministro ng kalusugan, si Hakuo Yanagisawa, ay inilarawan ang mga kababaihan bilang mga “baby making machine” at sinabi na ang kanilang pampublikong tungkulin ay ang madagdagan ang birthrate.

Si Kato, dating vice minister sa ministeryo sa agrikultura, sa simula ay nagsabi na siya naninindigan sa kanyang pahayag matapos na siya ay mabansagang sexist ng mga babaeng MP. Ang kanyang office sa ibang pagkakataon ay nagbigay ng isang pahayag kung saan binawi niya ang mga komento at sinabi na “hindi siya sinadya ang hindi paggalang sa mga kababaihan”.

Source: The Guardian
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund