Ang artista at mang-aawit na si Alex Gonzaga ay nag enjoy sa kanyang paglalakbay sa Japan kamakailan kasama ang kanyang ina na si Crisanta “Pinty” Gonzaga. Ang mag-ina ay nag sighteeing mula noong Abril, kasama sa paglalakbay nila ay sa sikat na Universal Studios sa Osaka.
Sa kanyang Instagram noong Mayo 19 nagbahahi siya ng larawan kasama ang kayang ina, pareho silang nakatayo sa maulan na kalsada ng Osaka habang sila ay nakahawak ng payong at may caption na, “Ang sabi nila: Japan, Japan sagot sa kahirapan!”
Gayunpaman, tila ang ilang netizens ay hindi natawa sa pahayag ni Gonzaga, na sa palagay nila ay pang insulto ito sa mga overseas Filipino workers.
Isang netizen ang nag comment na, “I guess you need to rephrase your words here. I don’t get this joke. You have many kababayan (countrymen) here too, I guess it’s [a] good idea you feature [the] life of Filipinos here so you have a bit of emphatic side.”
Ayon sa isa pang netizen, “I 100 percent agree with this. There are ACTUAL funny jokes and jokes made up from total ignorance. Can mommy Pinty teach her daughter not to be so taklesa (tactless) and act appropriately? Papansin na kasi kung minsan. OA pa. (Asking for attention, sometimes. Overacting, too.)”
Dinipensagan naman ni Gonzaga ang kanyang sarili at nag apologize sa kanyang comment section.
“Sorry if that’s how you feel but I’ve been hearing that phrase ever since I was young,” isinulqt ni Gonzaga. “Most of the time, Filipinos move overseas to have better opportunities. It’s how you interpret that phrase and the joke is kunwari (we’re pretending) we’re moving to Japan na with mommy Pinty. Hehe.”
Ang ibang mga followers naman ay pinagtanggol si Gonzaga at sinabing wala silang nakitang masama sa caption.
“It’s just a joke. I work in Japan too, it doesn’t bother me. My friends and I went to Japan dahil sa hirap sa Pinas (because it’s so hard in the Philippines). I think Cathy’s caption didn’t mention negative word about people who work in Japan,” wrote a certain Noki. “Kayo lang naman ang naging nega eh. Chill lang, god bless. (It’s only you who are being negative. Just chill, God bless.)”
“Madalas naman gamitin na joke yan,” said one Rhoda. “Sagot naman talaga sa kahirapan dahil karamihan naman ng mga nag-work sa Japan ay naging maganda at maayos ang buhay ng mga pamilya nila sa Pilipinas…” (That’s often used as a joke. It’s really an answer to poverty because most of those who worked in Japan were able to improve the lives of their families in the Philippines.)
Si Gonzaga ay sikat sa kanyang nakakatawang mga kalokohan at wackiness sa social media at tunay na buhay, at kanyang pagiging tunay at pagiging down to earth. Ipinagtanggol nya na ang kanyang biro ay walang masamang hangarin.
Kahit na ito ay isang joke lang, di pa din maikakaila ng mga netizen na ang kanyang joke ay may halong katotohanan at kapag tinanggal na ang mga naka filter na bagay ay makikita ang katotohanan na kinakaharap ng mga nasa Japan.
Source: Inquirer
Join the Conversation