6 na dayuhang trainees, nagtatrabaho sa Fukushima nuclear plant

6 na dayuhang trainees, pinag-trabaho sa loob ng planta ng nuclear sa Fukushima

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Tokyo Electric Power Company Holdings Inc.

Sinabi ng opisyal ng TEPCO nuong martes, 6 na teknikal na trainees mula sa ibang bansa ang nagtrabaho sa loob ng compound ng Tokyo Electric Power Company Holdings Inc. <9501> Fukushima No.1 na nuclear plant.

Ito ay laban sa desisyon ng TEPCO, na ginawa nuong Pebrero ng nakaraang taon matapos ang konsultasyon sa mga kaugnay na ahensya ng gobyerno, upang huwag mag-trabaho ang mga naturang trainees sa nuclear plant sa northeastern prefecture ng Fukushima, ang site kung saan nangyari ang meltdown nuong March 2011.

Ayon sa mga opisyal, ang anim na inupahan ng isang pangunahing subcontractor ay nag-trabaho mula Oktubre – Disyembre nuong nakaraang taon hanggang nitong nakaraang buwan sa isang pasilidad upang sunugin ang mga kahoy at mga labi na nakolekta mula sa planta.

Habang ang pasilidad ay naka-tayo sa labas ng lugar kung saan kinokontrol ang radiation. Walang naka-talang record kung gaano kataas ang level ng exposure sa radiation ng mga nasabing mang-gagawa, hindi rin na-check ang kalagayan ng kanilang tirahan. Hindi rin alam ng TEPCO kung gaano na-expose sa radiation ang anim na trainee.

Susuriin ng TEPCO ang lahat ng orihinal na contractor upang makita at malaman kung mayroong mga dayuhang technical trainees na nag-tatrabaho sa loob ng planta. Ito ay labag sa layunin ng Technical Intern Training Program ng Japan, na mag-bigay ng oportunidad at pagkaka-taon sa mga tao/dayuhan na maka-kuha ng mga skills upang magamit sa kanilang sariling bansa.

Source: Jiji
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund