Apat na miyembro ng isang pamilya ang sinaksak ng isang lalaki na kamag-anak sa isang izakaya restaurant sa lungsod ng Chiba noon Linggo ng gabi. Ang isa sa mga pamilya, isang anim na taong gulang na batang babae, ay namatay sa ospital.
Ayon sa pulis, ang insidente ay naganap sa paligid ng 7 p.m. sa izakaya sa Inage Ward. Sinabi ng Fuji TV na si Motomu Oda, 46, na nakaupo kasama ang pamilya, ay bumunot ng kutsilyo at sinimulang saksakin ang grupo. Ang anim na taong gulang na batang babae ay nasaksak sa tiyan. Ang isang-taóng-gulang na kapatid na babae at ang kanyang mga magulang ay nagtamo din ng mga saksak. Lahat sila ay dinala sa ospital ngunit ang kanilang mga sugat ay hindi naman life threatening, sinabi ng pulisya noong Lunes.
Sinabi ng mga saksi na nagsimula nang makipagtalo si Oda sa pamilya mga 10 minuto matapos silang pumasok sa izakaya. Si Oda, ay ang nakatatandang kapatid ng babae, ay nanatili sya sa izakaya matapos ang pag-atake at naaresto sa hinalang pagpatay at pagtatangkang pagpatay.
Sinabi ng pulisya na si Oda ay dating miyembro ng kapulungan ng Chiba na ngayon ay nakatira sa Okinawa, at dinala niya ang kutsilyo sa izakaya. Siya ay tumangging sumagot sa anumang mga katanungan at hindi pa din malinaw kung ano ang kanyang naging motibo, sinabi ng pulisya.
Source: Japan Today
Join the Conversation