Kinikilala na ngayon ng Pilipinas ang diborsyo ng isang Pilipino na may banyagang asawa sa labas ng bansa, ayon sa isang desisyon ng Korte Suprema (SC). Pinatunayan ng mataas na korte noong ika-18 ng Setyembre, 2014 na paghatol ng Tenth Division ng Court of Appeals (CA) na baligtarin ang order ng Dagupan City Regional Trial Court noong Oktubre 15, 2012.
Hindi pa inilalabas ng SC ang desisyon.
Pinagtibay ng sampung magistrate ang ruling ng CA, habang ang tatlong (Associate Justices Mariano Del Castillo, Estela Perlas-Bernabe, at Alfredo Benjamin Caguioa) ay laban dito. Si Associate Justice Francis Jardeleza naman ay hindi sumali dahil siya ang magiging solicitor-general kapag ang kaso ay dinala na sa SC.
Nag-file si Marelyn Tanedo Manalo ng petisyon para sa pagkansela ng kasal noong Enero 10, 2012 sa Dagupan kasabay ng pag-apruba ng diborsyo na isinagawa ng isang korte sa Japan. Ipinaliwanag ni Manalo na kasal siya sa Pilipinas sa isang Minoru Yoshino, isang Japanese national. Nag-file siya ng divorce sa Japan na ipinagkaloob noong Disyembre 6, 2011.
Ngunit tinanggihan ng korte ng Dagupan ang kanyang petisyon dahil sa “kakulangan ng merit.” Tinanggihan ito at hindi tinaggap ang desisyon ng diborsiyo, dahil si Manalo ang siyang nagsampa ng kaso laban sa Japanese national. “Ang korte ay nagsabi na ang uri ng diborsyo na kinikilala dito sa Pilipinas ay kapag ang asawang dayuhan ang siyang humiling ng diborsyo sa ibang bansa at hindi ang asawang Pilipino, alinsunod sa Artikulo 26 ng Family Code,”.
Nag-file si Manalo ng apela ngunit tinanggihan nila kaya’t ito ang nag-udyok sa kanya na itaas ang isyu sa CA. Binabaligtad ng CA ang desisyon ng mas mababang korte. “Sa pagsasaalang-alang na ang nasabing Hapon ay libre na upang mag-asawang muli, ang petitioner (Manalo) ay dapat ding pahintulutan na muling makapag-asawa sa ilalim ng batas ng Pilipinas,” pinasiyahan ng court of appeals. Sinabi nito na hindi makatarungan na isaalang-alang si Manalo bilang kasal pa rin sa Japanese national, na ipinahayag na diborsiyado.
Ipinaliwanag ng korte na, “Ang isang Pilipino ay hindi dapat makaranas ng diskriminasyon laban sa kanyang sariling bansa pagdating sa hustisya na dapat ipagkakaloob. Inaasahan ng petitioner (Manalo) na magpatuloy sa pag-render ng suporta at obserbahan ang katotohanan sa Japanese national na malayang makapag-asawa na isang malinaw na diskriminasyon laban sa nagpetisyon. Kaya, sa interes ng hustisya, ang kasal ng petisyoner sa Hapon ay dapat ding ituring na dissolved. ”
Idinagdag pa ng korte na kinikilala ang katotohanan na ang diborsyo ay posible sa pagitan ng isang Pilipino at “isang dayuhan,” ayong sa dating Pangulong Corazon Aquino na naglabas ng Executive Order 227, na nagbago sa Artikulo 26 ng Family Code. “Ang lahat ng mga kasal na ipinagkaloob sa labas ng Pilipinas, alinsunod sa mga batas na ipinatutupad sa bansa kung saan sila ay inaprubahan, ay dapat din maging valid sa bansang ito …
Kapag ang kasal sa pagitan ng Pilipino at isang dayuhan ay pinayagan ang diborsyo sa ibang bansa at gusto ng dayuhang asawa na mag-asawang muli, ay dapat magkakaroon din ng kakayahan na mag-asawang muli ang Pilipino sa ilalim ng batas ng Pilipinas.
Source: CNN Philippines
Join the Conversation