Ang mga ulat ukol sa sakit na tigdas ay patuloy na tumataas sa Okinawa. Isa ito sa mga papular na destinasyon ng mga turista. Sinabi ng pamahalaan ng nasabing prepektura, mula nuong huwebes ay nag-tala ng mahigit 65 na pasyente na mayroong tigdas sa loob lamang ng isang buwan.
Sa pag-bukas ng pista opisyal o Golden Week sa susunod na buwan, mahigit 170 turista mula sa ibang bansa at loob ng bansang Japan ang nag-kansela ng kanilang mga bookings sa mga hotel dahil sa nasabing epidemya.
Nag-simula umanong tumaas ang bilang ng sakit na tigdas matapos ma-diagnosed ang isang turista na nasa edad na 30 anyos mula sa Taiwan na mayroong tigdas nuong ika-20 ng Marso sa prepektura ng Okinawa.
Nag-lagay ng babala ang opisyales ng pamahalaan ng Okinawa sa kanilang website para sa mga turista o mamamayan na nais mag-punta sa rito, mangyaring alamin kung naka-tanggap na ng bakuna laban sa tigdas. Mahirap umano mang-hikayat ng turista sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang lugar.
Nuong taong 2015, ipunahayag ng World Health Organization (WHO) na ang bansang Japan ay walang naitalang epidemya ng tigdas sa loob ng 3 taon. Bagama’t may ilang naitalang kaso ng tigdas mula sa mga bisitang dumarayo mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Sa kalyeng Kokusaidori downtown ng Naha, kabisera ng Okinawa, isang 42 anyos na turista ang nag-sabi na hindi siya nag-aalala dahil mayroong bakuna laban sa tigdas ang kanyang 5 taong gulang na anak na lalaki.
Nag-aalala umano si Satoshi Toyama isang presidente ng lokal na mga hotel sa Kariyushi, ani niya, “Maaaring mag-karoon ng mga kaso ng pag-kansela sa darating na peak period.” Sinabi rin ng isang pamunuan ng hotel na “Natatakot ako dahil baka maapektuhan ang lokal na industriya ng turismo dahil sa kumakalat na usap-usapan.”
Habang ang mga pamunuan ng mga hotel ay nag-sasagawa ng hakbang upang maka-iwas sa naka-hahawang sakit, hinihikayat nila ang kanilang mga pina-mumunuan na magpa-bakuna laban sa sakit na tigdas. Ngunit ito ay mananatiling isang hamon dahil ang nasabing sakit at naka-hahawa.
Ang tigdas ay kumakalat o naka-hahawa sa pamamagitan ng pag-inhale o pagka-expose sa bahin o laway ng isang taong may sakit nito. Isa rin sa sintomas bg sakit na ito ay ang lagnat at pagkakaroon ng pantal sa katawan.
Sabi ng isang senior official na nag-tatrabaho sa larangan ng mga hotel, “Ang tigdas ay isang sakit na humahalo sa hangin kung-kaya’t may limitasyon pa rin ang aming mga gina-gawang pag-iwas dito.”
Source: Japan Today Image: Japan Times
Join the Conversation