Plano ng Imperial Household Agency na magsimula ng tour sa Imperial Palace sa Tokyo gamit ang mga English speaking tour guide sa susunod na buwan.
Ang lumalagong bilang ng mga banyagang turista ay humihiling ng ganitong klase ng tour. Ang mga empleyado ng ahensiya ay nagsasagawa ng mga tour sa wikang Hapon lamang.
Sinabi ng mga opisyal ng Agency na ang Palasyo ay may humigit-kumulang 54,000 na dayuhang bisita noong nakaraang taon. Iyon ay halos kalahati ng kabuuan at hanggang 1.9-fold mula sa talaan noong isang taon.
Idinagdag ng mga opisyal na ang mga bagong tour ay magbibigay ng madaling maunawaan na impormasyon sa mga pasilidad at kasaysayan ng palasyo para sa mga dayuhan.
Ang 2-kilometrong tour na may english speaking tour guide ay naka-iskedyul na magsisimula sa ika-1 ng Mayo. Madadaanan ang mga gusali ng ahensiya ng Palasyo pati na rin ang iconikong tulay na kilala bilang Nijubashi.
Source: NHK Image: Bank Image
Join the Conversation