Tatlong Amerikano sinintensyahan ng habang buhay na pagkabilanggo sa pagpatay sa isang Pilipina

Ang tatlong lalaki ay sumang-ayon noong 2011 at 2012 upang isagawa ang mga pagpatay sa buong mundo kapalit ng suweldo, kasama na ang "matatanggap na bonus" para sa bawat biktima.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang dating US soldier na inilarawan bilang isang “ring leader ng mga trained assassins” ang nahaharap ngayon sa habang buhay na pagkabilanggo matapos silang mapatunayang nagkasala noong Miyerkules ng pag-oorganisa ng pagpatay ng isang babae sa Pilipinas noong 2012 na kapalit ang pera.

Ang dating US sniper instructor na si Joseph Hunter, na may palayaw na “Rambo,” ay nahatulan kasama ang dalawang iba pang kalalakihan sa isang New York court noong Miyerkules ng pagplano sa pagkidnap at pagpatay bilang bahagi ng scheme ng murder for hire matapos ang 12-araw na pagsubok.

Si Hunter, na sa loob ng maraming taon ay nagtrabaho bilang soldier of fortune, ay nakapag-serve na ng 20-taong sentensiya sa iba’t-ibang kaso, kabilang na ang attempted murder ng isang US drug enforcement agent.

Pagkatapos ng paghatol, inilarawan ni US Attorney Geoffrey Berman ang kaso na isang “karumadumal” na krimen na may mga detalyeng “kadalasan ay makikita lamang sa mga action movies.”

(illustrative image)

“(Ang mga lalaking ito) ay nagsabwatan upang kitilin ang buhay ng mga tao sa ibang bansa na hindi nila kilala. Ngaayon ay hinatulan sila ng unanimous jury dahil sa kanilang hindi pagrespeto sa buhay ng tao,” sabi niya.

Ang hatol para sa tatlong lalaki, ang US citizens na si Hunter, 52, Adam Samia, 43, at Carl David Stillwell, 50, ay magaganap sa Setyembre, na may pinaka-maximum na parusa na habang buhay na pagkabilanggo.

Si Hunter ay dating sarhento ng hukbong Amerikano na umalis sa armadong pwersa noong 2004 matapos ang mahigit 20 taon, samantalang si Samia ay dati nang nagta-trabaho bilang “kontratista” para sa mga kliyente sa Pilipinas, China, Papua New Guinea at Demokratikong Republika ng Congo. Ang tatlong lalaki ay mayroong malawak na pagsasanay sa mga baril.

Ayon sa isang pahayag ng Opisina ng Abugado ng Estados Unidos, ang tatlong lalaki ay sumang-ayon noong 2011 at 2012 upang isagawa ang mga pagpatay sa buong mundo kapalit ng suweldo, kasama na ang “matatanggap na bonus” para sa bawat biktima.

Noong unang bahagi ng 2012, naglakbay si Samia at Stillwell sa Pilipinas kung saan ibinigay sa kanila ni Hunter ang impormasyon tungkol sa kanilang biktima at mga armas na gagamitin sa pagpatay.

Matapos manmanan ang kanilang Pilipinang target ng isang buwan, pinatay siya ng dalawang lalaki sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya ng maraming beses at pagkatapos ay itinapon ang kanyang katawan sa isang basurahan.

Natagpuan siya doon bandang huli ng mga lokal na awtoridad. Ang parehong si Samia at Stillwell ay binabayaran ng $ 35,000 ni Hunter para sa pagpatay sa babae. Ang pagsisiyasat sa tatlong kalalakihan ay isang international effort, sa pakikipag-ugnayan ng US law enforcement agencies kasama ang Royal Thai Police at ang Philippines National Police.

Ang pag-uusig ay hinahawakan ng tanggapan ng US Attorney ng Terorismo at International Narcotics Unit.

 

 

 

Source: CNN
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund