Tateyama Kurobe Alpine Route dinagsa ng mga turista

Ang mga bisita ay maaaring lumakad sa gilid ng kalsada para makita ang mga pader ng snow sa isang section na may 500 metro na haba hanggang sa huling araw ng Hunyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga bisita sa isang magandang mountain route na matatagpuan sa Northern Japan Alps ay tinatangkilik ng mga tao ang matayog na mga pader ng snow sa ilalim ng maaliwalas na sikat ng araw.

Ang Tateyama Kurobe Alpine Route ay nag-uugnay sa mga prefectures ng Toyama at Nagano sa central Japan.

Ang 37-kilometro na link, na nag-uugnay sa mga ruta ng bus, cable car at ruta ng ropeway ay opisyal na binuksan sa publiko noong Linggo. Ngunit ang okasyon ay nakaranas ng malakas na hangin at ulan.

&nbspTateyama Kurobe Alpine Route dinagsa ng mga turista
Tateyama Kurobe Alpine Route

Umaliwalas ang lagay ng panahon noong Lunes, na nagdulot ng mga turista mula sa Japan at sa ibang bansa na puntahan ang isang popular na lugar malapit sa Murodo na may altitude na 2,450 metro. Ang snow wall ay may taas na hanggang 17 metro na  naka-linya sa gilid ng kalsada. Ang mga pader ay nabuo sa pamamagitan ng mga naipon na snow mula sa mga operasyon sa pag-aararo ng snow.

Sinabi ng isang bisita mula sa Australia na siya ay lubos na namangha sa kagandahan ng mataas na mga pader ng snow.

Ang mga bisita ay maaaring lumakad sa gilid ng kalsada para makita ang mga pader ng snow sa isang section na may 500 metro na haba hanggang sa huling araw ng Hunyo. Ang mga turista ay maaari ring maglakbay sa ruta sa pamamagitan ng bus at iba pang paraan hanggang sa huling araw ng Nobyembre.

 

I-click dito upang makita ang iba pang detalye sa wikang Ingles tungkol sa alpine route ng Japan.

Source: NHK
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund